Yexel Sebastian, Mikee Agustin lumipad na daw patungong Japan sa kabila ng investment scam issue

Yexel Sebastian at Mikee Agustin (ctto)


Iniulat ng Bureau of Immigration na nakaalis na ng bansa ang dating dancer at toy collector na si Yexel Sebastian kasama ang kasintahang si Mikee Agustin. 
 
Umalis umano sina Yexel at Mikee papuntang Japan noong Lunes, Oktubre 9, 2023.
 
Lumipad patungong ibang bansa ang magkasintahan sa kabila ng maraming reklamo na nauugnay sa kanila dahil sa Php200 million na investment scam. 


Yexel Sebastian at Mikee Agustin


 
Ayon pa umano sa Immigration,  malayang makakaalis ng Pilipinas ang dalawa sapagkat hindi pa nasasampahan ng kaso ang mga ito.
 
Ngayong Martes ng umaga, Oktubre 10, 2023, nag-post si Sebastian ng video at paliwanag tungkol sa mabibigat na akusasyon laban sa kanya at kay Mikee. 
 
Narito naman ang naging pahayag ni Yexel tungkol sa naturang isyu na kinakaharap
 
“Siguro panahon na para ipagtanggol ko ang sarili ko at buo kong pamilya.
 
“Ayaw ko sana magsalita dahil kahit magmukha kaming masama at basura sa buong Pilipinas ay tatanggapin ko mai ayos lang ng malumanay at tahimik pero kabaligtaran ang nangyari naging sobrang ingay na.
 
“Pati kaligtasan namin ay nalagay na sa alanganin, Masakit makita ang buong pamilya mo na umiiyak para sa kaligtasan namin ni Mikee and Zyph kaya palagay ko ito na ang tamang panahon."
Kasama sa post ni Yexel sa social media ang isang video na kuha niya mula umano sa ribbon cutting event ng nasabing casino sa Clark noong 2022.

 
Binanggit din ni Yexel ang isang "Hector Pantollano" na aniya'y may-ari ng investment company na nirereklamo. 
 
Aniya pa “April 7 2022, nun sumama kami sa Ribbon Cutting na naganap sa isang legit casino sa Clark Pampanga. 

“After ribbon cutting, nagkaroon ng malaking event kung saan pinasalamatan ni Boss HP aka Hector Pantollana lahat ng matataas na tao sa casino at iba pang casino branches. Legit ang junket. Legit lahat ang tao. At legit ang operation.

“Hindi yan mapepeke nang kahit sino dahil hindi ka magkaka-branch sa isang casino na legal, para magka-junket kung illegal ito.”

Content creator na si Yexel Sebastian (ctto)


 
Si Yexel ay isa sa kilalang YouTube content creator sa bansa. Nakilala rin siya sa toy community dahil sa mga mamahalin at kakaibang laruan na pag-aari. 
 
Samantala si Mikee na kasintahan naman ni Yexel ay naging bahagi ng Girltrends na all-girl group na sumikat sa noontime show na It's Showtime. 
 
 

Post a Comment

0 Comments