| Source: Ben Tulfo's Bitag/ Ivana Alawi Page |
Pinuna ni broadcaster Ben Tulfo ang naging paraan ng pamamahagi ng relief goods ni actress at social media personality Ivana Alawi, at hinikayat siyang makipag-ugnayan muna sa mga lokal na opisyal bago magsagawa ng relief operations sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.
Ayon kay Tulfo, walang masama sa pagtulong at pagbibigay ng ayuda, ngunit mahalaga ang maayos na koordinasyon, pakikipagtulungan, at pagbibigay-alam sa mga lokal na lider bago isagawa ang pamamahagi.
“There's such a thing as courtesy, collaboration, and notification in advance before you go there,” pahayag ni Tulfo.
Maaari rin umanong makatulong ang barangay at lokal na pamahalaan sa pagkontrol sa dami ng mga tao at sa pagtiyak na organisado at maayos na makararating ang mga relief goods sa mga tunay na nangangailangan.
“Ang pamimigay po, walang masama. Ang pamimigay po, ang pagbabahagi po ng tulong ay walang masama. 'Yung pamamaraan ng pagbibigay ng tulong, hindi po maganda ang dating,” aniya.
Dagdag pa ni Tulfo, mahalagang pairalin ang courtesy, decency at respeto sa mga lokal na opisyal sa pamamagitan ng maagang pakikipag-ugnayan bago pumunta sa isang lugar upang mamahagi ng tulong.
“The next time, please coordinate. The next time, please have the courtesy and the decency and respect to coordinate and tell them you're coming in to bring goodies,” giit niya.
0 Comments