Sey ni Cristy, Kris Aquino 'nagtataray' daw sa mga doktor na umasasikaso sa kanya: 'kapag pinapayuhan ng mga doktor, kinokontra'







 

Muli ay naging topic si Kris Aquino sa “Showbiz Now Na” ni Cristy Fermin kasama ang kanyang co-host na si Morly Alinio, at guest co-host na si Wendell Alvarez.

Si Kris ay kasalukuyang nagpapagamot sa ibang bansa. Bago talakayin ang kalagayan ng aktres ay naungkat muna ang “sama ng loob” ni Wendell kay Kris noon tungkol sa pag-ayaw ng Queen of All Media na makasama ito sa isang panayam.

At ang pinaka latest ng ana chika tungkol kay Kris ay ang pagiging 'reklamador' daw nito sa mga ginagawa ng doktor sa kanya sa Amerika.

At diin naman ni Cristy ay kahit naman noong andito sa Pilipinas si Kris ay marami na daw siyang kwento na naririnig tungkol sa mga reklamo nito.

"Ngayon po, unti-unti nang naglalabasan yung… si Kris daw po, kapag pinapayuhan ng mga doktor, kinokontra. Kinukuwestyon kung para sa’n ‘yon, para kanino, bakit… natural lamang po ‘yon, katawan naman niya ‘yon. Pero ‘di ba ang mga doktor, nao-offend naman kapag gano’n,” sey pa ng kolumnista

“Parang naiinsulto ang mga doktor dahil alam nila kung ano ang gagawin at ilalagay sa’yo. Hindi ka na kailangang magtanong, Ate Cristy, kasi nasa ospital ka na eh. Pumirma ka na doon…” segunda naman ng kanyang co-host na si Morly

Para kay Cristy, may limitasyon lang din ang pag kuwestyon sa mga doktor at pwede din naman daw na magtanong sa espesyalista.




“Yung pagiging nice mo ay sana nailabas mo na roon, hindi yung “Oh, what is that..’ ‘What is the purpose of that’… parang ganyan na nagsusungit,” ani Morly “Dapat kapag may sakit ka, ikaw na yung pinakamabait sa lahat, kasi may sakit nga eh…”

Kwento pa ni Morly na ayon lang daw sa mga narinig niya eh karamihan sa mga doktor na tumitingin kay Kris eh naiirita na sa kanya.

Pero pinag tanggol naman ito ni Cristy na marahil iritable lang ang aktres dahil nga sa kanyang iniindang karamdaman. 

“Pero parang ang dating kasi Ate Cristy parang… sana maging nice siya. Maging nice siya sa lahat ng mga doktor doon, na huwag na siyang magtaray, na Kris Aquino ka, na ikaw ay anak ng dating presidente, tama na… kasi may sakit ka,” diin naman ni Morly

Nanawagan din ang mga hosts ng panalangin para sa agarang pag galing ng aktres na ngayon daw ay nasa Texas, USA.
 
 
 
 
 
 
 

Post a Comment

0 Comments