Misis daig pa ang NBI sa pagsurveillance, mister na pulis huli sa mismong bahay ng kabit habang natutulog

 

Screencap photos from Raffy Tulfo In Action



Daig pa ang isang NBI agent sa pagsurveillance at paghuli sa isang suspek ang isang misis na ito mula Mandaue, Cebu City, nang maaktuhan nya ang kanyang mister na katabi ang kabit nito sa bahay mismo ng babae.

Ayon sa programang Raffy Tulfo in Action, dumulog ang isang ginang sa programa ni sir Raffy Tulfo upang humingi ito ng tulong sa kanya.  *

Napag-alaman pala na nahuli sa akto ng misis na ito ang kanyang mister na isang pulis sa nasabing lugar habang katabi nito ang kanyang kalaguyo sa bahay mismo ng babae.


Base sa salaysay ni misis, na si Mary Joy Pescante, nang dahil sa kanyang kutob o kung tawagin na "wife's instinct",  na may ginagawang kababalaghan ang kanyang asawang pulis na si P/CPL. Ferry Pescante ng magpaalam ito na papasok na umano sa kanyang duty.


Kaya naman, agad nagpaalam si Mary Joy sa kanilang mga anak para sundan ang kanilang papa kung talaga bang sa trabaho ang punta nya.


Kumontrata ng habal habal si Mary Joy at agad nilang pinuntahan ang lugar kung saan naka-assign ang kanyang mister, maging ang presinto na kinabibilangan nito. Ngunit hindi nya natagpuan ang mister sa mga nasabing lugar.  *


Screencap photos from Raffy Tulfo In Action


Kaya naman dumiretso sila sa bahay na mismo ng kalaguyo ng mister nyang pulis, at nakita nga niya ang motor nito na nakapark sa harap ng bahay. Pero bago pa sya sumugod sa bahay, sinabihan nya si kuyang habal habal driver na humingi ng tulong sa mga barangay tanod.


Dahan-dahan syang umakyat sa kwarto at bumungad ang kanyang asawa at kabit nito na magkatabi sa kama at natutulog. Mabuti na lamang at nakatulog din ang bantay ng bahay.


Kinuhaan agad ni Mary Joy ng video ang dalawa habang magkatabi sa kama bilang ebidensya, at laking gulat ng kanyang mister ng marinig nito ang boses ng kanyang misis.


Gulat na gulat ang pulis at talaga namang nanlaki ang mga mata nito, ng marinig nya ang boses ng kanyang misis nung sandaling iyon. *


Screencap photos from Raffy Tulfo In Action



Nakakatawa ang tagpong ito dahil talaga namang namilog ang mga mata ng pulis at agad tumayo upang awatin ang kanyang asawa na sugurin ang kanyang kalaguyo.


Maging si sir Raffy Tulfo ay di napigilang matawa sa diskarte ni misis, pati na rin ang mga netizens na nanunuod ng programa ay di naiwasang maaliw at nagbigay ng kanilang mga komento.


At nang pagharapin ni Tulfo ang mag-asawa, sinabi ni Corporal Pescante na kaibigan lang nya ang babae. Kahit sinabi pa ni sir Raffy Tulfo na kita naman sa video na nakapatong pa ang kamay ng kabit nito sa kanyang harapan.


Sinabi pa ng pulis na ang kanyang asawa pa mismo ang nananakit sa kanya kaya nagagawa nya ang mga bagay na ito.

Nais ni Mary Joy na mapatanggal sa serbisyo ang kanyang asawang pulis at makulong ito. Nakiusap naman ang pulis na huwag syang ipatanggal sa serbisyo alang-alang na lang sa kanilang mga anak.


Binigyan ni Tulfo ng tatlong araw ang mag-asawa upang ayusin ang kanilang problema sa harap ng station commander ni Pcpl. Pescante. *


Screencap photos from Raffy Tulfo In Action



Post a Comment

0 Comments