Leah Navarro sinagot si Roque: 'Mas mabuti sana lagay ng bansa kung si Roxas ang presidente'




Para sa singer at kilalang tagasuporta ng Liberal Party na si Leah Navarro, mas mabuti sana ang lagay ng bansa kung si Mar Roxas ang naging presidente habang ang Pilipinas ay nasa kasagsagan ng paglaban sa pandemya.

Ang komentong ito ni Navarro ay sagot sa naging pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na paano nalang daw ang kapalaran ng bansa kung si Roxas ang nanalo sa pagka pangulo.

“Can you really imagine a Roxas leading this country amidst the many trials we have had? From COVID-19 pandemic to China?” ani Roque sa isang panayam noong Marso 24.

Dito binanggit ni Roque ang naging history ni Roxas sa pag hawak ng mga pagsubok sa bansa tulad nalang ng bagyong Yolanda na nanalasa ng matindi pati na ang kaso ng Mamasapano.

“Hindi ko maisip kung Mar Roxas became president, knowing ‘yung mga track record niya sa mga pagsubok sa Yolanda tsaka doon sa Mamasapano,” ayon kay Roque

Ang dalawang nabanggit na insidente ay nangyari noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino kung saan nanilbihan si Roxas bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Kaya ang naging sagot dito ni Navarro, kailangang kailangan daw ngayon ang kakayahan ni Roxas dahil bokya umano ang liderato ni Duterte.

Para rin kay Navarro, walang kinalaman si Roxas sa kaso ng Mamasapano.

“Yes, I can imagine a better Philippines if Mar Roxas was president. The lessons from Yolanda were well learned, he made the NDRRMC very effective moving forward. Roxas had no part in Mamasapano. His management skills are sorely needed now. #DutertePalpak has zero,”  ayon sa tweet ni Navarro noong Marso 25.

Si Roxas ay kumandidato sa pagka-pangulo noong halalan ng 2016 bilang panlaban ng administrasyon subalit natalo kay Duterte na nakukuha ng mahigit 16 milyong boto.


Post a Comment

0 Comments