Mystica, nakisimpatya kay Nuezca: ‘Kung iyon na lang ang way, then he did his thing’

 



Muling kinuyog ng mga netizens si Mystica matapos niyang makisimpatya sa pulis na namaril ng kapitbahay sa Tarlac kamakailan lang.


Ayon pa sa dating “Split Queen”, kung siya ang nasa katayuan ni  Senior Master Sgt. Jonel Nuezca, mas nanaisin umano niyang makulong kaysa mapahiya sa harap ng kanyang anak bilang isang pulis.


Sa video na inupload ni Mystica, tila sinasabi niyang siya ay kumakampi sa pulis at sinabihan pang “pasaway” ang mag-inang Gregorio.


“Tinatanong ano daw ang pakiramdam ko, ano daw ang masasabi ko. Well based on kung ano ang nakita ko na diyan, puro sila against doon sa ginawa ng pulis,”aniya pa


“Well noong tiningnan ko naman saan nag-ugat, well, at talagang tiningnan ko talaga kung ano ang pangyayari, mga ganun, ay talagang mga pasaway nga naman kasi ‘yung maglola,” ayon pa sa singer-actress.


Nauna nang sinabi ng pulisya na si Nuezca ay nagtungo sa bahay ng mga biktima at hinarap sila matapos niyang marinig ang pagpapaputok ng "boga," isang noisemaker na karaniwang gawa sa PVC pipe o kawayan para sa mga pagsasaya.


Sinabi ni Mystica na magreklamo rin siya kung maaabala siya ng ganoong tunog.


Aniya pa, mukhang ang anak ni Nueza ang higit na nakakaalam kung paano igalang ang isang opisyal ng pulisya, kung saan sinabi pa nga nito na pulis ang kanyang ama.


“Natural bilang isang magulang, pinalaki mo ‘yung bata na ‘yan, with respect iginagalang ka bilang policeman, anong gagawin ko? Hayaan ko na lang ba na babastusin ‘yung trabaho ko, babastusin ‘yung ginagampanan kong katungkulan bilang pulis at hahayaan ko na lang na i-manipulate ako nitong mga maglolang ito na wala silang pakialam?” ayon pa kay Mystica


"Well if I would be that policeman as well, hindi na baleng ako ay makulong. Ayaw ko lang na mapahiya at mawalan ng dignidad ‘yung trabaho ko bilang pulis na nagme-maintain ng peace and order,” saad pa nito


“Sa pamamagitan ng ginawa niya, kung iyon na lang ang way para mapatahimik itong maglola, then he did his thing. That’s what I think, diba? Ano ang dapat niyang gawin?”dagdag pa ni Mystica

 

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments