Mambabatas ng oposisyon, nanawagan sa awtoridad na palayain si Echanis at sanggol nito

Photo from Inquirer and Google 



Nanawagan ang ilang mambabatas mula sa minorya na palayain ang aktibista na si Amanda Echanis at ang kanyang sanggol mula sa pagkabilanggo bilang konsiderasyon.


Si Echanis ay naaresto noong madaling araw ng Miyerkules ng umaga sa Baggao, Cagayan dahil sa iligal na paghawak ng mga armas.


Kasamang kinuha sa kustodiya ang sanggol ni Echanis.


“We call on the authorities to release Amanda Echanis and her baby for humanitarian reasons ASAP,” ayon kina Minority Leader Franklin Drilon and senators Leila de Lima, Risa Hontiveros, and Francis Pangilinan sa isang pahayag.


“Jail is not a place for a mother and her one-month-old boy she is nursing,” dagdag ng mga mambabatas


Dapat umanong tiyakin ng mga awtoridad ang tamang pagpapagamot para sa mag ina, ito ay matapos ang pagkamatay ni baby River na anak naman ng isa pang aktibista na si Reina Mae Nasino.


“We hope our authorities have learned a thing or two about compassion and humanity from that incident, so as not to have a repeat of an avoidable tragedy,”  ayon pa sa mga mambabatas


Maliban dito, nanawagan din ang mga senador na mula sa oposiyon para sa mabilis na pagsisiyasat sa kaso ni Amanda at pagpatay sa kanyang amang consultant para sa kapayapaan na si Randall Echanis.


Ang ama ni Amanda ay natagpuang patay umano sa kanilang bahay noong Agosto.


“Due process, justice, and compassion must be accorded to all, no matter their beliefs,” anyon sa mga senador



Post a Comment

0 Comments