Parlade to Angel Locsin on red-tagging: 'Porke ikaw si Darna, hindi ka na pwedeng magsinungaling'



 


“Porque ikaw ay si Darna, hindi ka na pwedeng magsinungaling .” ang naging banat ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr sa aktres na si Angel Locsin


Sinabi ito ni Parlade sa isang Senate hearing kung saan kanya ring iginiit na ang kapatid ni Locsin na si Ella Colmenares ay miyembro ng New People's Army.


Kung matatandaan na nitong Oktubre lang ay lumabas ang kontrobesya ng red-tagging sa mga artista kaya nagkaroon ng Senate hearing.


“Balikan ko yung kuwento tungkol dito kay Ella Colmenares, because this very important especially that we are talking of a celebrity,” ayon kay Parlade


“Ang celebrity, ang daming naaakit niyan…We have to debunk claims na porque ikaw ay isang artista, palagi ka na lang tama. Porque ikaw ay si Darna, hindi ka na pwedeng magsinungaling," dagdag pa ng opisyal sa kanyang naunang pahayag


Sa nasabing pahayag din ay binalaan ni Parlade ang iba mga personalidad katulad ng aktres na si Liza Soberano at Miss Universe 2018 Catriona Gray mula sa pakikisalamuha sa grupong Gabriela.


Sa pagdinig, iginiit ni Parlade na si Colmenares ay bahagi ng NPA na pinatotohanan din umano ng mga testigo na dating miyembro ng nasabing grupo.


“Pakinggan natin yung testimony ng nakasama ni Ella Colmenres, just an end the issue whether Ella Colmenares, kapatid ni Angel Locsin, ay isang NPA or not,” ayon kay Parlade


Mariin din ang pag tanggi ni Locsin na hindi siya parte ng NPA at maging ang kanyang kapatid na si Ella at si Bayan Muna chairman Neri Colmenares.


“Nanawagan po ako sa kinauukulan, na itama po ang mali na ito. Tigilan na po ang red tagging,”  panawagan ng aktres na tinaguriang Darna sa totoong buhay




 

Post a Comment

0 Comments