Pristihiyoso at pinakamahal na yate sa buong mundo, pagbinili may kasamang libreng Bugatti Chiron

   

Photo from dailymail


 
Talaga namang mamamangha ka sa nakakalulang ganda ng bagong disenyo ng bangka na ganito kamahal at sinamahan pa ng libreng supercar na Bugatti Chiron. 

Isa sa pinakabagong gadget ng mga bilyonaryo at nang nais mag-ala kontrabida sa James Bond ay isang sasakyang pandagat na tinatawag na Xenos hyper yacht na nagkakahalaga ng £52 million o tumatagingting na mahigit 3 billion sa  piso.


Hindi lang iyan, pag binili ang yateng ito, may kasama pang libreng  £ 4 milyon na Bugatti Chiron supercar.

Sinasabing ito ang pinakamahal sa buong mundo. Ang pristihiyosong yate na Xenos ay inaasahang aakit sa mga bilyonaro na magiging sentro ng mga daungan sa Monaco at St. Tropez sa Europa.


Ang mga ganitong eksena ay tila sa pelikula mo lang nakikita at mga karakter sa mga librong nababasa. 


Bagaman nasa drawing board pa rin ang yate, ang sasakyang ito ay nagpapaalala daw sa ginamit noon ng kontrabida sa James Bond at operatiba ng specter na si Emilio Largo sa Thunderball ng 1965.


Ang kumpanyang Lazzarini Design ang sinasabing grupo na nasa likod ng mala-pantasyang sasakyan na ito. Ang super yateng ito ay sinasabing may kakayanan na bilis ng higit sa 100mph dahil sa 15,000 horsepower engine na gagamitin dito.


Upang maging makinis at magaan ang yari ng 130-talampakang bangka, ito ay bubuuin gamit ang aluminum at carbon. Ayon pa sa Lazzarini, ang yateng ito ay dinesenyong pang mabilis at kumportableng paglalayag. *


Photo from dailymail


Ang salitang Xenos ay hango umano sa makalumang salita ng Griyego na ang ibig sabihin ay "naiiba". Ang sasakyang ito aabot sa 90 knots ang bilis ng yate kaya ito na ang masasabing pinakamabilis sa uri nito sa buong mundo.


Photo from dailymail


Kasama din sa disenyo ang garahe sa deck nito, kung saan ipaparada ang Bugatti para deretso na ang pagmamaneho mula sa daungan.

Ang Bugatti Chiron ay isang mid-engine na two-seater sports car na binuo at ginawa sa Molsheim, France na binuo at ginawa ng French automobile company na Bugatti Automobiles S.A.S.. Ay Chiron ay ang kahalili ng Bugatti Veyron, ito ay unang ipinakita sa Geneva Motor Show noong Marso 2016.


Ang Bugatti Chiron noong nakaraang taon ay naging unang kotse sa buong mundo na lumampas sa 300mph.


Photo from dailymail

Post a Comment

0 Comments