Nagtataka umano ang anak ni senator Kiko Pangilinan na
si Frankie kung bakit ginagamit na pang insulto ng mga taga suporta ni Pangulong
Rodrigo Duterte na tinawag niyang DDS ang salitang “dilawan”.
Sa mag-kakasunod na tweet na kanyang nai-post noong
Linggo, September 20, ipinahiwatig ni Frankie na si pangulong Duterte ay dati bahagi
ng Liberal Party mula 2009 hanggang 2015.
“why do d/d/s love to use the term dilawan as an
insult as if their idol wasn’t literally in the liberal party from 2009-2015,”
ayon kay Frankie
Ang matapang na anak ng aktres na si Sharon Cuneta ay
inilarawan ang logic sa paggamit ng salitang “dilawan” ng mga DDS bilang “clownery”
o tila pagpapatawa.
“the clownery i just,” ani Frankis “almost as if it
has nothing to do with partisan affiliations and more to do with personal bias
and agenda.” Dagda niya
Sinabi rin ng anak ni megastar na hindi siya “big fan”
ng Liberal Party kahit pa ang kanyang ama ay dating presidente ng partidong ito.
“like fk yea the LP has all its faults i’m not that
big a fan either ?? but ??? where is the logic,” ayon ky Frankie
Samantala, isa ang ama ni Frankie na si Kiko sa mga
hindi sumang-ayon sa kontrobersyal na paglalagay ng white sand bilang bahagi ng
rehabilitasyon ng Manila Bay.
Ayon sa mambabatas, dapat unahin ng gobyerno ang
krisis sa COVID-19 sa halip na gumastos ng milyun-milyong piso upang itapon ang
"nakakalason na puting buhangin sa baybayin ng Manila Bay."
"Pera na, naging buhangin pa," ayon sa taga oposisyon na senador
"Hindi katanggap-tanggap na habang nagugutom ang
mga kababayan natin, walang hanapbuhay ang mga magulang, at walang kagamitan
ang mga anak para sa online classes, ay nagtatapon lang tayo ng pera sa mga
proyektong maaaring makasira pa sa kalikasan at sa ating kalusugan," Ayon pa
kay Kiko
0 Comments