Himas rehas ang isang lalaking nakatambay na nangbastos ng babaeng nagjojogging, katwiran ng suspek, wala pa daw kasi siyang asawa

   

Screencap photos from Youtube @GMA news


Himas rehas ngayon sa himpilan ng pulisya ang isang 34 anyos na binate Inaresto ito ng mga pulis, nang matapos nitong yapusin at hipu@n sa mas*lang bahagi ng katawan ang isang dalagang nagja-jogging lang sa probinsya ng Mangaldan, Pangasinan.


Base sa balita ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" newa reporter na si Jasmin Gabriel-Galban sa nitong Biyernes, kinilala ang suspek na si Alvin Avache.  


Ayon sa kwento ng suspek, Nakita nya umano ang isang babae na nagja jogging, at labis na humanga ang suspek sa biktima. Kaya di na ito naka pagpigil pa, at agad na niyakap nya ito at hindi pa nakuntento ay hinipuan pa ang dalaga sa masel@ng bahagi ng katawan nito.


Di na nakatanggi ang suspek, at aminado naman ito sa ginawang pagyakap sa dalaga at iginiit na hindi raw niya sinasadya ang pangyayari at iginiit pa nito na wala pa daw sya kasing asawa.


Ayon kay Police Lieutenant Joel Jugal, Deputy Officer ng Mangalda Police station, na hindi na interesado ang biktimang dalaga na ituloy ang reklamo laban sa suspek.


“Ipinunta dito, pero yung biktima, ayaw na nyang I-push through ang kaso pero yung suspek ay mag a-undergo pa rin sya ng reglementary period.” Pahayag ni Police lieutenant Joel Jugal, Station duty officer ng Mangaldan Police Station. *

 

Screencap photos from Youtube @GMA news

Aminado naman ang suspek sa nagawang panghiipo, aniya, nagandahan daw sya sa dalaga at wala pa raw syang asawa. Nagandahan daw sya sa biktima at hindi na nakapag pigil sa sarili kaya nayakap nya ito.


Nagpaalala naman ang otoridad sa publiko na maging mapag matiyag at alerto upang hindi sila nagiging biktima ng mga taong may masamang balak sa kapwa.

 

“Dapat maging alerto sila sa lahat ng pagkakataon [ara hindi sila nagiging biktima sa ganitong harassment.” Dagdag pa ni PLt. Joel Jugal.


Magkahalong galit at pangungutya naman ang saloobin ng mga netizens sa suspek. Narito ang ilan sa kanilang mga omento:


“It's natural to appreciate somebody's physical beauty. Eyes are for seeing. But when you add a lustful intent, then it is a "sin".”


Mukhang tigang na tigang tong si kuya sa Bakat ah, nextime siguro girls medyo ibaba ng kaunti ang Legging, wag ibakat masyado, daming mga matang nanghuhubad sa paligid eh.”


“Nature talaga yan ng mga lalaki na Ang babae para sa lalaki Kaya minsan nakakagawa ng krimen Ang lalaki dahil sa babae.”


“Aww utak manyak0l si sir! Kahit anong suotin ng babae kahit magbalot pa yan ng ilang patong na jacket with plastic cover. kung manyakis ang lalaki kagaya nyo po na utak may ubo, mambabastos yan. Smh.”

 

 

 

Post a Comment

0 Comments