Naduwag ang isang netizen matapos magbanta ni Pauleen
Luna na kanya itong kakasuhan dahil sa panglalait nito sa kanyang anak na si
Talitha Maria Sotto.
Ayon sa ulat ng bandera inquirer, nagpadala ng private
message si Pauleen sa nasabing basher para sabihing kanila itong kakasuhan ng “cyberbullying
a minor.”
Talagang hindi pinalampas ng aktres ang panglalait ng
netizen na ito sa anak nila ni bossing Vic Sotto.
Kamakailan lang ay nag-viral ang post ng Facebook page
na @TRNDSmnl kung saan makikita ang palitan ng mensahe ni Pauleen sa Facebook
user na si Patrich Walter L. Harris.
Base sa usapan, hindi nagustuhan ni Pauleen ang
panglalait ni Harris kay baby Tali nang ire-post nito ang Father’s Day tribute
noong June 21 mula sa Facebook page mismo ni Tali.
Sa nasabing larawan ay kalong ni Bossing ang anak na
si Tali na pinintasan naman ng basher, sinundan ito ng screenshot ng unang
private message ni Pauleen na sinagot ni Harris ng “Hello mars Pauleen. Kumusta
ka?”
Binara naman ni Pauleen ang basher ng “Ay hindi po
tayo magka mars [smiling with closed eyes emoji].” Sinagot naman ito netizen
“Sorry naman.”
Banat naman ng aktres “We can take this up in court if
you like. Or you can post a public apology to the innocent child you’ve been
shaming.”
Ngunit ayon naman sa basher, mas gugustuhin umano pa
niyang makulong kesa mag public apology.
Matapos ang sagutan ay tila natakot ang basher at
humingi ng paumanhin sa kanyang mga sinabi.
“Ako ay taos pusong humihingi ng sorry sa inyong
lahat. ako ay nagsisi sa mga nasabi kong mali sainyong lahat at sana tanggapin
niyo. Ang taos pusong paghingi ko ng sorry.” Ayon dito
Ipinost din ng netizen ang reply ni Pauleen na” Thank
you, Please think before you click next time. And always remember, wag man
dadamay ng inosenteng bata.”
0 Comments