Convo kung saan nagsusumbong si Jang sa isang kaibigan ng away nila ng gf, trending sa social media


Photos courtesy of Facebook

May lumabas sa social media na isang screenshot conversation ng pinaslang na magandang grab driver na si Jang Lucero kausap ang kaibigan nito kung saan nabanggit ni Jang ang pangalan ng isang babaeng nag-ngangalang “Thea”.  

Ayon sa article ng KAMI, minsan na palang nadawit ang pangalang "Althea" sa kaso ni Lucero dahil sa ito raw umano ang mastermind sa malagim na pamamaslang sa 34-anyos na magandang lady driver. *


Ipinakita ang screenshot ng conversation ni Lucero na shinare ng kaibigan ni Jang na si Jing Le sa kanyang Facebook, at makikitang nabanggit niya mismo ang kotrobersyal na pangalan.

Base sa kwento ni Jang sa kaibigan, nakitulog umano si Thea sa bahay ng magkasintahang si Jang at  Meyah Amatorio sa Taguig. Ngunit tila hindi naging maganda ang naging nito sa magkasintahan at naging sanhi pa Ito umano ang kanilang pag-aaway at naging dahilan para lumayas si Jang ng sandal sa puder ng kasintahan na si Amatorio.

Ngunit lumabas din sa kwento na napag-alaman daw ni Amatorio kung nasaan ang kasintahan kaya napilitan na lamang itong bumalik sa bahay ni Amatorio.

Sa naturang conversation din, nabanggit ni Jang na hindi na siya umano masaya sa kanilang relasyon ni Meyah na tinatawag din niyang "Poklay”.



Pinakita rin ni Jang na may pasa ito sa braso at mayroon din daw siya sa kanyang likuran na di niya makuhanan kaya naman tinanong ng kanyang kaibigan kung bakit bumalik pa rin siya kay Meyah.

Naging pala isipan sa marami kung sino talaga salarin sa pumanaw na si Jang Lucero na natagpuang walang buhay sa loob mismo ng kanyang minamanehong kotse noong Hunyo 28 ng gabi. *

Nitong Hulyo 3 naman nang madakip ng pulisya si Ann Shiela Montes Belarmin, 20 taong gulang na itinuturing na mastermind ng pamamaslang kay Lucero.

Si Ann Shiela ay umaming dating kasintahan ni Meyah Amatorio ngunit mariing itong itinanggi ni Belarmino na may kinalaman siya sa sinapit ni Jang.

Nitong Biyernes, Hulyo 10, nang palayain ng Calamba Police Station si Belarmino dahil sa kakulangan sa ebidensya.



Samantala, mabilis na nag-viral din ang isa na namang online conversation ng nagpakilalang kaibigan ni Jang Lucero patungkol sa huling naisiwalat nito sa kanya.

Labis umanong di makapaniwala ang nasabing kaibigan ni Jang sa sumakabilang buhay na nga ito.
Sa screenshots ng conversation na binahagi ni Jing Le, mapapansin na ang usapan ay naganap noong June 29, isang araw matapos ang malagim na pagpaslang kay Jang. *


Photos courtesy of Facebook

Patuloy pa rin ang follow-up operations sa nasabing kaso lalo na at wala pa muling nakukuhang lead ang pulisya kung sino nga ba ang gumawa nito kay Lucero.

Nabanggit ng di na pinangalanan pang kaibigan ni Lucero ang huling naikwento ni Jang sa kanya na labis na ikinabahala ng kaibigan dahil maari raw na may kaugnayan ito sa kaso.

Pinagtapat umano ni Jang na matindi umanong magselos ang nobya nitong si Meyah. Ang masaklap pa rito, nagagawa rin daw siya nitong saktan sa labis na paghihinala nito sa kanya.



Noong nakaraang Marso nang huling makasama ng kaibigang ito si Jang at doon daw nito naibulalas ang mga impormasyong iyon tungkol sa nagaganap sa relasyon nila ni Amatorio.

Ipinakita rin mismo ni Jang ang picture na may kayakap na ibang babae ang nobya nito ngunit hindi pa rin niya ito magawang iwan. *


Photos courtesy of Facebook


Ang pinakamatindi sa lahat ay nang maikwento rin ni Jang na minsan nang pinagbantaan ng nobya ang kanyang buhay kaya naman labis itong ikinabahala ng napagkwentuhang kaibigan.

Ayon naman sa kausap ng kaibigan ni Jang sa chat, hindi pa rin sapat ang mga rebelasyong ito upang sabihing may kaugnayan nga ang nobya sa krimen. Ngunit binigay pa rin niya ang impormasyong ito sa pamilya ng biktima.

Matatandaang sa unang lumutang na screenshot ng text message mismo ni Jang sa isa ring kaibigan, nabanggit niya mismo ang alyas "Thea" na nakikitulog na raw sa kanilang bahay sa Taguig.

Sa ngayon, wala pa ring nahuhuli muli na suspek sa kaso ng pamamaslang kay Jang Lucero.



Si Ann Shiela Montes Belarmino na minsan nang naiturong mastermind ay pinalaya rin dahil sa kakulangan sa ebidensya.

Kahit pa umamin itong dati niyang kasintahan si Amatorio, wala pa rin daw umano siyang kinalaman sa kaso.

Photos courtesy of Facebook



Post a Comment

0 Comments