Bea Alonzo ibinunyag ang alok na pagbili sa kanyang mga social media fan pages at iba pang kapamilya stars


Photos courtesy of ABS-CBN and Facebook


Nababahala ang isa sa mga ABS-CBN stars na si Bea Alonzo, tungkol sa binalita sa kanya ng isa sa mga administrators ng kanyang fan pages sa social media.

Ayon kay Bea, may mga nagmemessage daw sa kanilang social media pages at nag-aalok bilhin ang mga fan pages ng nasabing aktres na may malalaking bilang ng followers.



Dagdag pa ng kanyang administrators, malaki rin daw ang offer na bayad kapalit ang mga ito.

Ibinahagi din ni Bea sa kanyang Instagram Stories (IG Stories) kahapon, July 19, ang mensahe ng mga tagahangang gumawa ng fan accounts para sa kanya.

"Had to post this. Woke up to these messages from my supporters." ani Bea

"I wonder why these people would offer to buy these accounts all of a sudden? For what?" dagdag pa nito.



Shinare din ng aktres,na may nababalitaan din sya mula sa ibang celebrities na nakatanggap din ng kaparehong alok ang kanilang mga fan pages.

"Also heard that diff fan groups of diff ABS-CBN artists received the same offer today. You be the judge."  pahayg ni Alonzo.

May ulat din ang ABS-CBN News online na may kahalintulad na alok sa fan pages ng Kapamilya stars na gaya nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual. 

Sa kanyang Instagram post, kanyang ibinahagi ang mensahe ng isang fan nito na may fan account din na marahil ay nakatanggap din umano ng nasabing alok.



“Hi, Ms. bea! Inform lang po kita na most of your fan community threads have been receiving offers to seell their accounts.” mensahe ng administrator ng kanyang fan page.

Ganun din naman sa isang pang IG post ni Bea, kung saan ipinakita din ng aktres ang isang pang taga hanga na nakatanggap din ito ang alok kapalit ang fan page nito. 

Dagdag pa ng fan ni Bea, “I think trolls po are doing this to make their lives easier and get more money. Don’t worry, Ms. bea. We will never leave you. Laban hanggang dulo! We love you!” 

“Hi, Queen! I just want to inform you po na a lot of your fan pages have been receiving offers po from different accounts here on Instagram na bibilhin po nila mga accounts namin — mostly your fan pages na maraming followers po,” ayon naman sa isa pang loyal fan ng aktres.

“Talagang nangungulit sila. I think may kakaibang balak sila. But don’t worry di po kami magpapadala sa mga sinasabi nila. We love you.” pahayag nito.

Sa baba ay makikita ang post mula sa administrator ng Bea-Ian (Veneracion) fan account at may caption ng fan, "Like abscbn my BeaIan precious acc is not for sale po. "

"Pra lang to sa mga lovesko @beaalonzo and papa ih." ayon sa fan administrator ni Alonzo.


Post a Comment

0 Comments