Mga larawan mula sa Google (ctto) |
Nag aalala ang dating senador na si Antonio Trillanes IV na mag deklara ng martial law sa bansa
kasunod ng conviction ni Maria Ressa sa kasong cyber libel ngayong araw.
Iginiit ni
Trillanes na ang hatol kay Ressa ay isang matinding pag atake sa demokrasya ng
bansa, hindi lamang sa press freedom.
“More than
the obvious attack against the freedom of the press, Maria Ressa’s conviction 4
cyberlibel is an attack against our democracy itself. We’re now but a few steps
away frm Martial Law,” ayon sa isang post ni Trillanes sa Twitter
Hinikayat din
niya ang mga netizens na magkaisa at magsalita bago pa mahuli ang lahat.
“Panahon na
para mgsalita at mgsama-sama bago pa mawala nang tuluyan ang ating kalayaan,”
aniya
Ngayong
araw ay lumabas na ang hatol kay Ressa at sa dati nitong empleyado na si Reynaldo
Santos Jr. dahil sa umano’y mapanirang article ng Rappler laban sa businessman
na si Wilfredo Keng.
Sa isang
panayam matapos lumabas ang hatol ng korte, sinabi ni Ressa na patuloy na
lalaban ang kanyang kampo.
"I
appeal to you, the journalists in room, the Filipinos who are listening, to
protect your rights. We’re meant to be a cautionary tale, we are meant to make
you afraid. I appeal again, don’t be afraid," aniya sa mga reporters
"Because
if you don’t use your rights, you will lose them. If we don’t challenge a
brazen move to try to roll back the rights guaranteed in the constitution, we
will lose them. We shouldn’t be voluntarily giving up our rights." Ayon pa
kay Ressa
Si Ressa at
Santos ay mananatili sa piyansa na dati nilang nai-post at nabigyan ng labing
limang (15) araw upang isaalang-alang ang kanilang susunod na hakbang, ayon sa
kanilang tagapayo na dating University of the Philippines Law Professor at
Supreme Court spokesman na si Theodore Te.
"Obviously
legal steps forward would include questioning the decision and the appropriate
proceeding. We still have to meet, we’ll have to go over the decision
carefully," ayon kay Te.
0 Comments