Photo courtesy of ABS-CBN |
Kamakailan
ay may lumabas na balita mula sa isang big time boxing promoter ng Top Rank na si Bob Arum, na kakandidato daw si Senador Manny Pacquao sa
pagiging pangulo sa 2022.
Ayon kay
Arum, sinabi raw sa kanya ni Boxing champ ang planong pagsabak sa pagka-Presidente
sa susunod na eleksiyon sa 2022, at desidido na raw ito sa kanyang pagtakbo.
Sa katunayan pa nga ay iniimbitahan na diumano siya ng
Pambansang Kamao sa kanyang inagurasyon.
Agad naman itong pinabulaanan ni Pacquiao ang pahayag ng
boxing promoter at kanyang nilinaw ang isyu dahil na sa mga negatibong feedback
ng pahayag na ito mula sa madla.
Ayon naman sa boksingerong senador ay wala raw silang
napag-usapan tungkol sa pulitika ng kanyang promoter, at tanging sa boxing lamang
ang kanilang agenda at wala raw siya sinabing sasabak na siya sa pagka-pangulo
sa 2022.
Samantala, labis namang ikinalungkot ng mga empleyado ng Maharlika
Pilipinas Basketball League, (MPBL), na pagmamay-ari ni Senador Pacquiao na madalas
nilang nakikita at napapabalita ang mga pagkakawang-gawa nito.
Samantalang may matindi palang problemang kailangang unahin
ang pambansang kamao, at yan ay ang kanyang mga empleyado at tauhan sa MPBL.
Ayon sa balita ng PhilStar, “Mahigit na tatlong buwan
(mag-aapat na sa Lunes, June 15) nang delayed ang suweldo ng mga taga-MPBL,
palaging ganu’n, delayed ang pagpapasuweldo sa kanila!"
“Hindi naman niya pinulot lang sa kung saan-saan ang mga
nagpapatakbo ng MPBL, mga skilled sila, may magandang trabaho nu’ng pagkukunin
niya para magtrabaho sa kanya sa MPBL!” ayon sa kwento ng unang kuwento ng isa
sa mga nagsiwalat.
Nagdaan na ang lockdown kung saan ay maraming ipinagbabawal.
Kasama na dito ang lahat ng paliga ng basketball ay ipinatigil na din ng
pamahalaan dahil sa pagsunod sa social distancing.
Pahayag pa ng nagsiwalat, “Wala silang trabaho, kaya
natural, walang pinagkakakitaan ang mga empleyado niya. Wala silang tinanggap
na kahit anong ayuda mula kay Senator Pacquiao!”
“Napakasakit sa kanila nu’ng napapanood nila sa TV si
Pacman na namumudmod ng ayuda sa kung saan-saan, samantalang sila, hindi na
alam ang gagawin dahil sayad na sayad na sila!”
“Mahigit na tatlong buwan na silang hindi sumusuweldo,
paano na ang mga pamilya nila? Tapos, makikita nila si Pacman na sige-sige sa
pagbibigay ng tulong sa harap ng mga camera?”
“Kahit anong ayuda, hindi niya binigyan ang mga empleyado
niya, suweldo na nga nilang delayed na delayed na, hindi pa rin nila nakuha!”
“Nakakaawa naman ang mga empleyado niya, hirap na hirap na sa buhay, unahin niya muna dapat ang mga taong pinakikinabangan niya bago ang pamimigay ng ayudang kinukunan ng mga camera!” madiing pahayag pa ng source.
Hindi maganda ang senaryong ito dahil mismong mga empleyado na ni Senador Manny Pacquiao ang umaangal sa kanyang pamamalakad.
Ang isang buwang suweldo kung hindi man maibigay sa kanila ay magagawan pa ng paraan, maipangungutang pa nila ‘yun, pero ang mahigit na tatlong buwang hindi sila sumusuweldo ay mahirap nang habulin.
Nang ideklara ang ECQ na ipinagbawal ang pagtatrabaho at pinanatili lang ang lahat sa kani-kanyang bahay ay hindi man lang kaya inalala ng Pambansang Kamao ang kanyang mga tauhan?
Mahigit na tatlong buwang suweldo ang pinag-uusapan, hindi isa o dalawa lang, kaya talagang magrerebelde na ang bituka ng mga nagugutom na pamilya ng kanyang mga empleyado.
Dagdag pa ng source, “Walang masama sa pagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangan, maganda ‘yun, pero bago siya tumulong sa iba, e, unahin niya muna ang mga empleyado niyang mahigit na tatlong buwan nang hindi sumasahod!”
“Magagaling ang mga kinuha niyang empleyado, may maaayos silang trabaho nu’n sa ibang network, hindi niya naman napulot lang sa kung saan-saan ang mga tauhan niya!”
“Kailangan nang umaksiyon ni Pacman, ibigay niya ang nararapat para sa mga empleyado niya, pinagtrabahuhan na nila ‘yun, tapos na ang serbisyo nila sa suweldong hindi ibinibigay sa kanila!”
“Pagkatapos, e, may mga magsasabi pang puwede na siyang kumandidatong presidente? E, kung ang mga empleyado nga lang niya, e, hindi niya mapagmalasakitan, ang buong bayan pa kaya?” galit na galit na pahayag ng source.
Ang tanong, alam kaya ni Pacman ang mga nagaganap sa kanyang sariling bakuran? meron ba syang pinagkakatiwalaang grupo para mamahala sa MPBL,
Seryoso ang sitwasyong ito, kailangang maresolbahan agad ang matin-ding problema ng kanyang mga tauhan, bago pa humarap sa mga camera ang grupo para maglabas ng kanilang mga saloobin.
Napakasakit nga naman sa kaloobang tanggapin na palaging nasa telebisyon ang kanilang tagapamuno na namimigay ng biyaya sa ating mga kababayan habang sila naman ay patuloy na umaasa at hindi na alam kung ano ang gagawin para sa nagugutom nilang pamilya.
Kung walang alam si Senador Manny Pacquiao sa sigaw ng kanyang mga empleyado ay magpaimbestiga siya. Kailangang magkaalaman na kung nasaan ang mali sa pagpapalakad sa MPBL.
Galing din sa hirap ang Pambansang Kamao. Alam niya ang damdamin ng mga kapos. Kailangan niyang aksiyunan ang problemang ito nang agaran bago pa mahuli ang lahat.
0 Comments