Isa ang aktor na si Dingdong Dantes sa pumalag sa kontrobersyal
na Anti-Terrorism Bill na kamakailan ay ipinasa ng Kongreso at kasalukuyang
naghihintay na lamang ng pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Dingdong na may mga
dapat umanong baguhin sa saklaw ng nasabing panukala.
Bilang isang Navy lieutenant commander o reservist,
family man at artista, kailangan niyang tingnan ang bagong panukalang batas at
may nais siyang alisin dito.
Nais umano alisin ng aktor ang Section 9 na tungkol sa
pagpapakahulugan ng mga “nang-uudyok sa terorismo.”
Ayon sa panukala, sinuman na maglalabas ng “speeches,
proclamations, writings, emblems, banners or other representations” na ang
“layunin” ay “mang-udyok sa pagsasagawa ng terorismo” ay parurusahan.
“Would deleting this section make the law useless? I
believe not. But it would certainly protect the people’s freedom of speech and
expression, especially that of the artists’ community,” ayon sa aktor
Giniit din niya na silang mga artista ay hindi man
lang umano kinonsulta tungkol sa panukala sapagkat sila ay maapektuhan din
nito.*
“I completely agree that we must eradicate terrorism
for our safety and wellbeing … [b]ut I also recognize the importance of proper
consultation on concerns that affect our constitutional rights. Artists were
not consulted on this bill, and yet we are among those whose personal and
professional lives are at stake.” Ayon kay Dingdong
“Contrary to the notion that we only exist to
entertain, artists are actually vital storytellers of our nation’s past,
present and future. We help bring people together; we help Filipinos stand as
one nation as we have always done in the past and are continuing to do during
the current pandemic.” Dagdag pa ng aktor
Dapat umanong makibahagi ang mga artista sa pagbuo ng
implementing rules and regulations kung ito ay hindi ive-veto ni Pangulong Duterte.*
“Kung hindi na natin makukumbinsi ang Pangulo na
i-veto ang Anti-Terror Bill, nananawagan kaming magkaroon ng representasyon at
partisipasyon sa paggawa ng implementing rules and regulations ng Anti-Terror
Law. Umaasa kaming mga aktor na maririnig at pakikinggan ang aming boses.”
“I too hope that we can still find a way to create an
ideal Anti-Terror Law that respects Filipino’s constitutional rights and
limitations within an environment of public trust and confidence,” dagdag niya.
Samantala, ang pahayag na ito ni Dingdong ay umani
naman ng iba’t ibang reaksyon muna sa mga netizens, narito ang ilan:
“Pwede ka na maging senador.... I suggest mag aral ka
na ng law... Kaya mo yan... Be the speakers of your generation..”
“maraming salamat sa iyong pagpapahayag ng iyong
pananaw sa isyu nitong anti-terrorism bill.”
“Thought you were smart enough 😔
please read @lucytgomez’s post”
0 Comments