Senator Manny Pacquiao, spotted na namamahagi ng relief goods para sa mga evacuees ng Taal



Mga larawan mula sa Facebook post ni Gina Gina


Si senador Manny Pacquiao ay namataan ng isang netizen na namahagi ng daan-daang mga paper bags na naglalaman ng relief goods para umano sa mga evacuees dahil sa pagsabog ng bulking Taal.

Binahagi ni Gina Gina sa kanyang Facebook account ang ginawang pag tulong ng Boxing champ sa mga kababayang apektado ng ash fall.



Ayon sa caption ng netizen na si Gina, galing mismo daw ang pera sariling bulsa ni Pacquiao.

Makikita rin sa larawang kanyang binahagi sa Facebook na halos mapuno ang ilang mga delivery trucks na magdadala ng relief goods sa mga evacuation centers ng apektadong mga lugar.

Dahil sa likas na pagiging matulungin sa kapwa, umani na naman ng iba’t ibang papuri ang people’s champ.



Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na nakabasa ng post ni Gina Gina sa social media:

"Yan ang tunay n naglilingkod, maasahan sa oras ng kagipitan. mabuhay po! dumami pa sana katulad mo po ang kailangan ng ating bansa sa panahon ngayon..."

"Saludo ako syo Senador Manny Pacquiao napakabuti mo tao nnjan ka para tulongan ang mga tao nangangailangan ng tulong God Bless"

“Thank you so much mr pacman buti kapa walang pork barrel dumudukot sa sarili mong bulsa, samantalang un ibang mga walanghiya at makakapal ang mga mukha na politico e sa aming bulsa dumudukot para lang ibulsa shame on you”

Post a Comment

0 Comments