Puro daw selfie! Pagdating ni Bong Go at President Duterte galing Davao, sinalubong ng negative comments sa Twitter






Ayon sa isang ulat ng Politiko, dinagsa umano ng mga negatibong comment sa Twitter ang selfies nina President Duterte at nang kanyang dating aide na si Senator Bong Go sa loob ng isang eroplano.

Sa kuhang nakapost sa Twitter, nakasakay ang pangulo at si Go sa pribadong eroplano na pabalik na umano ng Maynila galing ng Davao City.



Sa naturang post ay sinabi ng senador na sila ang unang nag land sa airport matapos ang sunod sunod na pagkansela ng mga flight sa NAIA dala nang ash fall matapos sumabog ng bulking Taal.

Ngunit, tila hindi lahat ay natuwa sa sinabing ito ni Go dahil may mga netizens na nag react.

“Puny*ta di namin kailangan ng selfies niya. Advisories, ground help, evacuation and relief ops. Yun po ang kailangan. Wala talaga kayong ambag sa lipunan! Puro porma. Ang gag0!” ayon sa tweet ni @beverly_heels



“Why pose for a photo when people are suffering?” ayon naman sa Twitter user na @pilipinas_mnl

“People are calling out for help at heto kayong magiting na ibinabalandra pa ang pagiging ignorante’t apathetic ninyo sa mga tao. Nakasusuka!,” saad naman ng user na @txplsm_gondii

“Pucha! Magtrabaho kayo hindi yung puro picture at epal lagi,” ayon naman sa comment ni @semjomel

“He wastes taxpayers money on chartered flights along w/ this annoying epal senator. So please, HE DOESN’T DESERVE ANY APPLAUSE for defying flight cancelation. He is the president for God’s SAKE NOT the bloody Davao mayor anymore. He should be in Malacanang MOST of the time.” Mula naman sa komento ng user na @W3NGderlust

Post a Comment

0 Comments