Noynoy Aquino in hospital: ‘He's under observation, in high spirits and thanks everyone for their concern’ – Abi Valte

Larawan ni Abigail Valte at dating Pangulo Noynoy Aquino mula sa Facebook at Rappler




Matapos mapabalitang inoperahan sa puso ang dating Pangulong Noynoy Aquino, sinabi ng kanyang tagapagsalita na si Abigail Valte na “okay” lang ito.

Pinabulaanan din ni Valte ang balitang naoperahan ang dating pangulo at nasa ospital daw ito para sa routine check up.



“Former President Noynoy Aquino is at the Makati Medical Center for a scheduled check up and a routine procedure,” ayon kay Valte

“While he is currently under observation, I was able to speak to him and apprise him of what is being reported in media,” dagdag niya

Kwento ni Valte, nag biro pa daw si Aquino na kaya nabalitang naoperahan siya sa puso dahil sya ay “heartbroken.”



“Nagbiro pa na baka daw kaya heart procedure ang balita kasi heartbroken siya. He’s alright and in high spirits, and thanks everyone for their concern,” ayon kay Valte

Si Aquino ay kasalukuyan umanong nasa Makati Medical Center para sa scheduled check up nito at routine procedure.



Samantala, sa kanyang Instagram post, umapila ng “respect and kindness” ang nakababatang kapatid ng dating pangulo na si Kris Aquino para sa kanyang kuya.

Kanya ring sinabi na malaya ang kanyang kuya na lumabas ng bansa kung kailangan nitong magpagamot sa labas ng bansa.

Huling nakita ng publiko si Aquino noong Nobyembre 20, 2019 nang siya ay dumalo kasama ng mga taga suporta ni senadora Leila De Lima para iapila ang kalayaan ng huli.


Source: Politiko


Post a Comment

0 Comments