'Bigyan mo lang ako ng aneurysm, isang pitik lang!' Duterte begs God not to let him live longer after his term



Pangulong Rodrigo Duterte ./ larawan mula sa Interaksyon


Dahil tumatanda na, naiisip na ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na rin siya magtatagal.

Ayon sa Pangulo, hindi niya planong mabuhay pa nang mas mahaba pagkatapos ng kanyang termino sa 2022, ito ay sa gitna ng mga naunang spekulasyon na siya ay tatakbo bilang bise presidente.



“You know, actually ako ba, sabi ko sa Diyos na pagkatapos ko ng Presidente, 74 ako ngayon eh, so I’ll be out at 77. Sabi ko sa kanya, ’wag mo na akong patagalin. Bigyan mo lang ako ng aneurysm. Isang [snaps his fingers]…,” ayon sa isang speech ni Duterte.

“Kung may cancer ako sabihin ko sa asawa ko, ‘pag umabot ako ng third stage, no more. Bakit — bakit ko pahabain ang buhay ko na hirap? Bakit ko pahabain ang buhay ko na magsakit? Cancer, masakit ‘yan maski hawakan mo lang ang kamay ng ganun. So wala nang quality of life,” dagdag pa niya

Naunang nang sinabi ng Pangulo noong November na hindi na tulad ng dati ang kondisyon ng kanyang katawan at marami na siyang nararamdaman.



“Lahat ng sakit, nandito na sa ‘kin kasi matanda na ako,” aniya

“Kung sabihin mo, ‘Okay ka ba presidente? Are you in the best of health?’ Of course not. I am old, life has begun to take its toll on my health. At kung sabihin mong may sakit ako, meron. You name it, I have it. Para wala na lang debate,” dagdag pa ng Pangulo

Naipabalita na rin na may ilang karamdaman na ang pinuno ng bansa tulad ng Buerger’s disease na sanhi ng kanyang paninigarilyo noon.

Samantala, nilinaw na rin ng Palasyo na fit ang Pangulo na pamahalaan ang buong bansa.


Post a Comment

0 Comments