After defending parents following President Duterte’s remarks, Frankie Pangilinan receives flowers with note: ’Sorry your president is shitty’




Sharon Cuneta with husband Kiko Pangilinan and daughter frankie (from showbizchika) and the photo of Frankie's twitter post 



Palaban talaga sa sagutan ang anak ni megastar Sharon Cuneta at senador Kiko Pangilinan na si Frankie matapos nitong ipagtanggol ang mga magulang sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naunang sinabi ng pangulo na nais umano ni Sharon palayasin na sa kanilang bahay ang asawang si Kiko, bagay na itinanggi ng Frankie.



“Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo. Tanungin mo. At kung sabihin mo nagsisinungaling ako, I will resign. Ang sinasabi ko totoo ‘yan.” Ayon sa pahayag ni Duterte noong November 30.

Dahil dito hindi nakapagpigil ang anak ni megastar at rumesbak ng post sa kanyang twitter account.

 “Imagine making yourself dinner in your tiny apartment and tucking yourself into bed with a warm blanket only to get a notification informing you your parents are arguing daw. it’s not either of your parents, it’s not your sister, not the dog, it’s rodi.” Ayon sa post ng dalaga


Matapos ang sinabi na ito ni Frankie, nagpost din ito ng larawan ng bulaklak na tulips kasamang ang isang card at may note na “Sorry your president is shitty. Hope this cheers you up”
“white tulips are my favorite. these flowers are for all of you, too. with all the love from my tired heart. huwag sumuko.” Ayon naman sa caption ng post.
Sa hiwalay na ulat ng Inquirer, sinabi na itinanggi ni Sharon ang remarks na ito ng pangulo.


Source: Inquirer

Post a Comment

0 Comments