Mystica, nanawagan sa lahat ng guro at mambabatas na panagutin si Raffy Tulfo: 'Kung di dahil sa kanya, di sana ako nabansagang baliw'




Si Mystica o Ruby Rose Mauanay Villanueva sa totoong buhay ay nanawagan sa mga guro at mga grupo na sumusuporta kay Gng. Melita Limjuco na panagutin si Raffy Tulfo sa ginawa nitong pamamahiya sa guro.

Ang pagbanat na ito ni Mystica ay kaugnay sa isyung kinasangkutan ni idol Raffy kamakailan.



Ayon pa sa singer, dapat daw bigyan ng leksyon ang sikat na broadcast journalist dahil nilagay nito sa sariling kamay ang ang batas.

“Ipakita po natin na hindi po ganun kasimple ang ginawa ni Raffy Tulfo lalung-lalo na sa pagpahiya niya sa buong mundo sa teacher na iyon.” Ani Mystica

“Dapat talagang aksyunan, bigyan talaga ng isang malaking aral para sa kanya na itong ginagawa nya na siya na yung nagsisikbing batas ng ating sanlibutan” dagdag nito



Dagdag niya, hindi daw totoo ang pagtulong ni Tulfo sa mga nangangailangan dahil barya lang naman daw ang binibigay nito sa mga tao kumpara sa totoong kinikita ni idol sa kanyang YouTube.

Inungkat din ni Mystica ang kanyang saloobin tungkol sa dating inilapit niya sa host laban sa dalawang blogger.

Nakakaranas daw siya ngayon ng cyberbullying dahil kay idol Raffy nang di umano’s sabihin nito na kailangan ni Mystica ng professional at medical help.



“Kung hindi niya mismo inannounce na hindi siya ang kailangan ko kundi kailangan ko ang professional at medical help, hindi sana ako nabansagan ng sanlibutan na ako ay isang baliw.” Litanya ni Mystica

Hinimok din ni Mystica ang mga mambabatas na umaksyon laban sa journalist para sa mga nabibiktima ng cyberbullying.


“We have to show that this laws really do exist in our country. Otherwise, walang silbi na gumawa pa kayo ng cyberbullying law na siya mismo ang gumagawa ng dahilan kung bakit nabubully ang mga taong katulad ko”




Post a Comment

2 Comments

  1. Just another one that has no other means to call public attention to herself. Get a life whoever you are and stop getting yourself involved in the hype just to get back to fame, or have you ever been famous?

    ReplyDelete
  2. I agree - cyberbully needs to be dealt with in law... and this Tulfo in action needs to be held responsible for his actions... otherwise idiots like this can continue to get away with anything... ruining someone's life or reputation thinking an in-sincere sorry is a fix all.... - AMAL AL - if you google or u-tube the name Mystica, you will find Mystica is a highly talented singer , actress and presenter.... it might be an idea in future, if you used your brain, and did some research before commenting.

    ReplyDelete