Lawmakers urge Robredo to accept designation as co-chair of anti-drug body: 'Tingnan natin kung makatulog ka pa!'

Senator Bong Go and Senate President Vicente “Tito” Sotto III / compiled photo mula sa ABS CBN



Ilang mga Senador ang humikayat kay Vice President Leni Robredo na tanggapin na ang pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Robredo Duterte bilang drug war “czar”.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, pagkakataon na ito na sa wakas ay ma-realize ng oposisyon ang tunay na problema ng bansa sa droga.



Dagdag ni Sotto, matatahimik na rin sa kakasabi ang mga kritiko ng Pangulo na gustong ipatigil ang drug war.

“Tanggapin sana para once and for all ma-reliaze nila na ang problema ng illegal drugs ay matindi pala, at matigil ang kakasabi nila na itigil na,” Ayon umano sa sinabi ni Sotto sa mga reporters sa pamamagitan ng text.

“You only would want the war against drugs stopped if you are sympathetic to the drug dealers or at least a user,” aniya.



Para naman kay Senator Bong Go, na dating Presidential aide ni Duterte, malalaman na ni Robredo na mahirap ang trabaho ng Pangulo.

“Subukan mo po. At least malalaman mo ang trabaho ng Pangulo at kung gaano kalaki ang problema sa ilegal na droga. Tingnan natin kung makakatulog ka pa,” ani Go

Umaasa naman si dating Philippine National Police chief, Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, na mapag-tagumpayan ang laban na ito bilang isang bansa.

“I hope we can win this war as one nation undivided by political colors,” ayon sa senador


 Source: Politiko



Post a Comment

0 Comments