18-anyos na lalaki arestado sa panggagahasa ng 77-anyos na lola





Kalaboso ang isang 18-anyos na lalaki sa Concepcion, Iloilo noong Lunes matapos gahasain at saktan ang isang 77-anyos na lola sa nasabing bayan.

Kinilala ang suspek na si John Rey Clamares, na ayon sa ulat ay sinampahan ng kasong rape with frustrated homicide.



Nahuli umano ito ng pulisya matapos Makita ang kanyang tsinelas sa mismong bahay ng biktima.

Lunes ng madaling araw nang pasukin umano ni Clamares ang bahay ng matanda at saka ito hinampas ng matigas na bagay sa ulo.

Sa gitna ng imbestigasyon ay lumutang ang dalawang testigo na lalong nagdiin sa kaso laban sa suspek.



Samantala, nanatili sa isang ospital sa Iloilo City ang lolang biktima dahil sa mga natamo nitong sugat sa ulo at pribadong parte ng katawan. Nakitaan din ito ng mga kagat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Matinding galit naman ang naramdaman ng mga netizens sa balitang ito, narito ang ilan sa kanilang mga komento mula sa KAMI:

"Baliktad na mundo.. Pati senior nanganganib na.. Ayoko ng lumabas ng bahay."



"Bakit?anong merun?anong kulang sa batang ito bakit nagawa nya yn?"

"I'm so disappointed on how the youth was being monopolized by new era (social media).
Kawawa naman si lola. Nakakalungkot mabalitaan mga ganyan."

"Di lang pala dapat bata ingatan sa panahon ngayon pati na rin pala mga lola."


Source: ABS CBN, KAMI

Post a Comment

0 Comments