Manila, Philippines – Naiulat kanina lamang medaling araw ng
Oktubre 2, ang sunog sa Star City, isa sa kilalang amusement park sa bansa.
Ayon sa ulat ng mga opisyal ng Bureau of Fire Protection
(BFP), umabot sa Task Force Bravo ang sunog na naganap bandang 2:25am sa Star
City compound, Pasay City.
Sa ulat ng GMA News, kinailangan pa ng mga dagdag na fire
trucks para maapula ang nagliliyab na siakt na pasyalan, ayon sa Pasay City
Fire Marshal Superintendent Paul Pili.
Tinatayang nasa 60 porsyento na ng infrastructure sa Star
City compound ang nasira dahil sa sunog, base pa sa ulat, sa huling update ni
Superintendent Pili bandang 3:05 am.
Maging ang Manila Broadcasting Company (MBC) building ay inabot
na din ng napinsala dulot ng malawak na sunog.
Nag-deploy din ang Philippine Red Cross ng dalawa pang
dagdag na fire trucks at dalawang ambulansya ayon kay Senator Richard Gordon .
Sa pinakuhiling balita ng CNN Philippines ngayong umaga, umabot na sa 80
porsyento ng main building ng Star City, kasama sa nasabing pinsala ang Snow World Structure
at ilan pang mga indoor rides, ayon kay BFP Supt. Pili.
Hindi naman nadamay sa sunog ang mga outdoor rides, dagdag pa sa
salaysay ni Supt. Pili.
Sa paunang imbestigasyon, hinihinalang nagsimula ang sunog sa sa
stock room, kung saan naka-imbak ang mga stuffed toys.
Maaaring arson o problema sa electrical ang mga posibleng
pinagmulan ng apoy. Wala namang naiulat na nasawi sa nasabing sunog.
Idineklarang naapula na ang apoy bandang 4:30 a.m. na
kinailangan pa ng labing syam (19) na fire trucks bago tuluyang naapula ang
apoy.
Sa pahayag ng management ng Star City, hindi muna makakapagbukas
ang nasabing amusement park nga kapaskuhan dahil sa insidente, ayon kay Mr. Rudolph
Jularbal, tagapagsalita ng Star City.
Source: KAMI
0 Comments