Double blade! Misis di na masikmura ang ginagawa ng Mister na di lang daw nambababae kundi nanlalalaki pa!






Kamakailan ay dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang misis na inireklamo ang mister dahil di lamang sa pambabababae ang ginagawa nito kundi may mga karelasyon ding di umano itong mga lalaki.

Kinilala ang misis na si Lita Alvarez, 33 na taong gulang at may dalawang anak, hindi na matiis nito ang panloloko di umano ng kanyang mister na kinilalang si Marlo Alvarez, 35 na taong gulang.



Ayon kay Lita, isang propesor sa kolehiyo si Marlo, kung saan daw nito nakikilala ang mga nagiging karelasyon.

Labis na sama ng loob ang nararanasan ni Lita, dahil nagagawa pa raw ng mister na magsustento sa mga kalaguyo nito ngunit di naman makapagbigay ng maayos na sustento sa kanilang mag-iina.

Samantala, maging si Idol Raffy ay di makapaniwala sa kakaibang problema ng mag-asawa dahil di raw ito pangkaraniwan.



Habang kapanayam ni Idol raffy sa programa ang mister, halatang umiiwas ito at pili lamang ang mga sagot at ang laging sinasai ay nasa korte naman na raw ang kanilang kaso.

Masama ang loob ng misis dahil sa ₱1,000 kada linggo lang o ₱4,000 kada buwan lamang daw ang kayang ibigay ng mister bilang sustento sa kanilang mga anak.

Ayaw pumayag ni misis sa ganitong kaliit na binibigay ng mister dahil hindi sasapat ang halagang ito upang buhayin ng maayos ang kanilang mga anak.


Muling sinang-ayunan naman ito ni Idol Raffy, aniya bakit nakukuha pa raw ng propesor na mambabae at manglalaki, sana man lang daw ay sa mga anak na lamang ibigay ang pera pang sustento sa mga ito.

Panoorin sa video ang kabuuan ng kanilang naging diskusyon:




Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments