17 anyos na namasukan bilang OFW Riyadh, sa rooftop pinapatulog ng kanyang amo


Photo courtesy of Facebook



Viral ngayon sa social media ang post tungkol sa isang OFW na menor de edad, ang minamaltrato umano ng kanyang amo sa Riyadh.

Ayon pa sa post, 17 years old pa lamang ang nasabing Pinay OFW at sinasaktan pa daw ng kanyang amo at sa rooftop pinapatulog kahit sa katirikan ng araw.



Hindi naman magawang makapaghain ng pormal na reklamo ang nasabing biktima, dahil sa iligal ang kanyang mga dokumento.

Sa Facebook post ni Lee Yam Arjonie, isang concerned nating kababayan, labis ang pag-aaalala ng mga magulang ng batang OFW dahil sa mga ginagawang pagmamaltrato na ginagawa ng kanyang amo.

Ayon sa balita ng Expatreaders, nagpanggap na 24 taong gulang ang nasabing biktima upang makapagtrabaho sa Riyadh.



Hindi naman naipaliwanag sa nasabing post kung paano nakapagtrabaho sa ibang bansa. ang menor de edad.





Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments