Baron Geisler, may mensahe sa administrasyong Duterte patungkol ng ABS-CBN franchise renewal



Baron Geisler and President Duterte compiled photo from KAMI and ABS-CBN (ctto)



Aktor na si Baron Geisler nagbigay ng video message hinggil sa nakaambang franchise renewal ng istasyon na kanyang kinabibilangan, ang ABS-CBN.

Sa pamamagitan ng isang Facebook video na in-upload ng Defend Job Philippines, inere ng isa sa mga aktor ng "Ang Probinsyano" ang kanyang mensahe.


Nanawagan at Umapela si Baron Geisler sa Pangulong Duterte at sa kongreso na nawa’y payagang  i-renew na ang franchise ng ABS-CBN.
Napabalita kamakailan na nalalapit ng mag-expire ang franchise ng isa sa mga pinaka-malaking  TV network sa bansa.
Ayon kay Geisler, kanyang binigyang diin na maraming tao ang posibleng mawalan ng trabaho sakali mang  hindi ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN at maaari itong magsara.


“Lahat tayo ay umibig, nasaktan, napasaya, napa-iyak ng mga shows ng ABS-CBN. Hindi ito magagawa kung hindi dahil sa mga laborers na ito. Ipaglaban po natin ang karapatan nila. Ipaglaban po natin ang buhay nila. Mahigit 10,000 po ang mawawalan ng trabaho. Isipin niyo po iyon,” sabi ni Geisler.
“Kung iniisip ng gobyerno na makaganti lang dahil sa mga miscommunications noong 2016. Mag-move forward na po tayo. Let go and forgive and forget. Mga tao pinag-uusapan natin dito. Hindi papel, pami-pamilya, ilang libong pamilya, pagkain sa lamesa. Iyan ang kailangan nila. Iyan ang kailangan ng mga Pilipino,” dagdag pa ng aktor.
Umapela rin si Baron sa mga Neizens, na tulungan sila sa kanilang panawagan, upang patuloy silang makapag-bigay saya sa mga Pilipino na patuloy na tumatangkilik sa kanila.


“Kung talagang nagmamalasakit ang gobyerno sa atin at sa mga laborers na ito. Tulungan niyo naman kami. Hindi kami nagmamakaawa kasi alam namin na karapatan namin na magserbisyo at magtrabaho at kumita para mapasaya ang mga tao at mga taga-gobyerno,” sabi pa ng actor.
“Lumaki ang ABS-CBN… 65 years niyo na pong kasama [tapos] tatanggalin niyo?” dagdag pa ni Baron.
Ayon sa isang report ng KAMI, nagpahayag si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nakadepende ang renewal ng franchise ng ABS-CBN sa kongreso at hindi sa pangulo.

Nagsimula ang hindi pagkaka-unawaan ng Pangulong Duterte at ng ABS-CBN, nang hindi ipalabas umano ang campaign ad noong 2016 sa ABS-CBN ngunit hindi naibalik nito ang perang ibinayad ng Pangulo.



Dahil dito, umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens. Narito ang kanilang mga pahayag:

"It's about sustainability. Ika nga no one should be left behind. Agree with Baron. Madali magpasara. Pero papano yun mga mawawalan ng trabaho? The government can do better than this. I take a leap of faith”

"ewan ko kung asan ang Utak nung gs2 mapasara abs cbn."

"BAD BOY na bumaet hahahaaa."

"10k lang kayo. Pero Million n tao yung niloloko ng network nyo."



"pano naman yong ginawa nila na pang gugulang...? mapasara man or hindi buset na #ABSCBN yan... madamjng kasalanan ang network na yan maka dilawan yan...baron paswnsiya i dont feel you."

"Disappointed ako sayo baron."

"Laos ka naman.isa bulok na tao,hwag kana magpapansin."




Source: KAMI



Post a Comment

3 Comments

  1. Yes i agree with Bayron, kaya dapat talaga ay kuhanin na ng gobyerno ang ABSCBN at ibigay na ito sa ibang entity na hindi involved sa politika para mas fair

    ReplyDelete
  2. Ang mabigat talaga na dahilan ay magbayad sila ng tax..at baka nga marenew ang franchise..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama sa tagal nilang nkinabang ang dami ng yumman jan bakit hindi magbayad ng buwis. Ang lagay pyyamanin kayo hindi nyo nmn binabalikan mga tao lalo n mhihirap. Yung tax n ibbayad ng ABS CBN, lahat ng mahihirap mkikinabang at pati n tayong lhat sa infras na mggawa niyan. Isipin mo yan Baron hindi puros mga sarili nyo lang ini isip nyo. Eh di wag isara magbayad ang ABSCBN sa gobyerno! Everybody happy hindi kayo lang mga artista at network.

      Delete