Alejano opposes death penalty: ‘Pag nagnakaw ka ng bilyon, malaya ka; pag dukha ka, dedo ka!'

Composite photo from Politiko and CNN Philippines 



Kinontra ni senatorial candidate Gary Alejano ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling ibalik ang death penalty sa mga krimeng may kaugnayan sa ilegal na droga.

Iginiit ng Magdalo Representative na ang mahihirap lamang ang napaparusahan ng matindi samantala ang mga mayayaman at makakapangyarihan ay kayang-kayang magbayad upang makalaya mula sa krimeng nagawa sa ilalim ng corrupt justice system.



“Meron ng extra judicial killings right now without reforming the justice system mahihirap lang ang papatayin. Tingnan natin yang mga mayayaman who stole billions of pesos from the government, tingnan mo kung asan sila, malaya,” ani Alejano sa isang interview sa CNN Philippines.

“So ‘pag ikaw ay mayaman, laya ka. ‘Pag mahirap ka, death penalty ka. So kung hindi natin aayusin ang ating criminal justice system, anti-poor lang ‘yung policy na iyan,” dagdag pa nito.

Si Alejano ay tumatakbo sa ilalim ng Otso Diretso senatorial slate ng oposisyon kasama sina: 
 incumbent Senator Bam Aquino, De La Salle University College of Law founding dean Chel Diokno, Moro civic leader Samira Gutoc, former Solicitor General Florin Hilbay, election lawyer Romulo Macalintal, former Senator Mar Roxas, at ni former House Deputy Speaker Erin Tañada 



Si Sen. Kiko Pangilinan naman ang tumatayong campaign manager ng naturang oposisyon slate.



Source:  Politiko

Post a Comment

0 Comments