Misis na pinaretoke ng mister na seaman, sumama sa isang general matapos gumanda



Screen-capped image from Raffy Tulfo in Action


Nagpunta sa tanggapan ni Idol Raffy Tulfo in Action ang isang seaman at inireklamo ang kanyang misis na pinaretoke nito para gumanda.

Ngunit nang ito ay gumanda, pinagpalit na si kuyang seaman sa isang Heneral ng AFP. Nais ni kuya makausap ang asawa na hanggang ngayo'y hindi pa rin nagpapakita sa kanya.


Humingi ng tulong ang isang seaman na si Mel Paza, 50 taong gulang,  kay Idol Raffy Tulfo upang idulog ang kanyang misis na 50 taong gulang din dahil may iba na itong kinakasama. Lahat ng pangangailangan at luho ng asawa ay kanya ng ibinigay pati na ang pagpaparetoke nito.

Kabilang sa mga pinaretoke ni misis ay ang kanyang ilong at breast augmentation na syang ginastusan ni mister upang gumanda lamang. Ngunit nang gumanda na si misis, ay walang ka abog-abog na pinagpalit ang kawawang mister sa isang heneral na di umano’y si Brig. Gen. Jesulito Calimag, 55 anyos, Provost Marshall General ng AFP.

Isinalaysay ng pobreng seaman, mula pa nang umuwi siya noong May 2 ay hindi pa nagpakita ang kanyang misis sa kanya at ang masaklap pa nito, nalaman nyang buntis ang kanyang misis ngayon na hindi naman sya ang ama.


Ayon sa kanilang anak, nakita pa raw nito si General na nasa loob mismo ng kanilang condo. Nang makausap ni Idol Raffy ni General sa telepono, palaging sinasabi lang ng General ay sila na lamang mag-asawa ang mag-usap.

Nang tanungin ni Idol Raff yang Heneral tungkol sa mga "I love you" messages nito umano kay Mrs. Paza, sinabi ng Heneral na, na-hack ang kanyang Facebook account.

Nais ni Mel na ipa-DNA ang baby kapag lumabas na ito dahil sa sobrang panloloko ang ginawa sa kanya ng asawa at ng Heneral.


Post a Comment

0 Comments