Babaeng dawit sa pamumugot ng kasambahay, 'test drive' modus arestado!

Composite photo ni Aleli Froilan Yap mula a google 





Matapos ang matinding pagpa-plano ay nahuli na ang isang babaeng nagngangalang Aleli Yap sa isang entrapment operation na hinanda ng National Bureau of Investigation (NBI).

Si Yap ay nagpanggap na broker at nagbenta ng paupahang bahay sa Ayala, Alabang hawak ang pekeng mga dokumento.



Nag pakilala pa ito gamit ang ibang pangalan, bilang si Lucy Ong. Kasamang naaresto ang kaniyang boyfriend na si Akiko Myron Lindon.

Kwento ng buyer, nakapag down na siya ng P200,000 kay Yap pero humingi pa daw ito ng P2.6 milyon. 

Mabuti na lamang daw ay nasabihan siya ng isang kaibigan na maraming kaso si Yap at pinaghahanap ng mga otoridad.

Napag alaman din na ang babae ay dawit noon sa pamumugot ng ulo sa kaniyang 17- anyos na kasambahay taong 2017.

Natagpuan ang katawan ng biktima sa Sagang, Bulacan at nakita naman ang ulo nito sa Makati dalawang araw ang nakalipas.

Samantala, noong October 2018 naman nang inireklamo si Yap dahil sa pagtangay niya umano sa mga luxury vehicles matapos sabihin na ite-test drive niya muna bago bayaran.


Hinikayat naman ng NBI na kung may iba pang nabiktima si Yap ay lumapit at mag file ng reklamo.


Sinasabing larawan umano ni Aleli Froilan Yap bago ito nagparetoke / mula sa Google



Kumakalat na larawan sa Google at social media na di umano'y si Aleli Froilan Yap 



Source: ABS CBN


Post a Comment

0 Comments