Nakakaaliw na Dilemma ng Fur Parents: Alagang Aso na Nagmamaktol Kapag Umaalis ang Fur-Parents

 




Mukhang si Koda, ang 2-taong gulang na asong beagle, ay nagalit nang maamoy nito na aalis na ang kaniyang fur parents sa bahay.

"Sige na, hindi na kami aalis. Sa'yo na ang susi." ayon sa caption ng post

Sa Facebook post ng fur-mommy na si Nicole Romero, makikita ang nakakunot na noo at tila nakangisi na ekspresyon ng kanilang alagang aso na si Koda habang kinakalma ito ng kaniyang fur-dad.

Ang reaksyon na ito ng asong si Koda ay kinagiliwan ng mga netizens at agad na ang viral sa social media. Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens.

“Mukha niya, grabe magtampo.”

“Ganyan din aso namin pag-aalis kami eh.”

“Isama niyo kasi baby na yan!”

“Galit pa rin po siya, kailangan pa po ata ng suhol. Nasaan daw po ang chicken bago siya maging okay.”




“Nakasimangot ang besshhie ko, cute mo doggie.”

Sa isang eksklusibong panayam ng Balita, ibinunyag ni Nicole na tila nararamdaman ni Koda kapag sila ay mag-aalis ng bahay, at sa mga sandaling iyon, siya ay nagiging malambing at sumusunod sa kanila na parang isang bata.

“Alam niya po, kasi everytime na aalis kami, so kapag nasesense niya na, bigla na lang siyang magiging clingy and maghahabol na parang kid,” aniya.

Upang ipakita ang pagmamahal sa kanilang alaga, simple na isinabit ng fur-dad ni Nicole ang susi ng motorsiklo sa leeg ng beagle, at doon nakuhanan ng larawan ang tila nagtatampo o masungit na mukha ni Koda.

“As way na lang din po ng paglalambing ng daddy niya, sinabit na lang din sa kaniya ‘yong keys ng motor and sakto nakuhanan po ng camera ‘yong grumpy face niya,” dagdag pa ni Nicole

Sa kabila nito, wala silang inaasahan na anuman mula sa post, kundi ang makapag bigay din ng aliw at katuwaan sa iba.

“We did not expect anything since we just posted her picture for entertainment, nagkataon na lang na may mga natuwa sa hitsura niya," saad pa ni Nicole

Post a Comment

0 Comments