Estudyanteng nagutom, kinain ang saging na artwork na nagkakahalagang Php6M




 
Isang hinog na saging na nakadikit sa wall gamit ang duct tape ang itinampok kamakailan bilang iconic art work ng Italian artist na si Maurizio Cattelan.
 
Ang naturang obra ay pinangalanang Comedian, na naging isa sa art ng world's biggest viral moments nang maibenta ito sa halagang US$120,000 (PHP6,641,700.00) sa Art Basel Miami Beach noong December 2019.
 
Ngunit hindi ganito ang nangyari nang itampok ang obra ni Cattelan sa Leeum Museum of Art sa Seoul, South Korea last April 27, 2023 dahil isa sa mga estudyante ang natakam sa saging.
 
Tinanggal umano ng estudyante ang saging sa pagkakadikit nito at ito ay kanyang kinain.
 
Nang tanungin daw ang estudyante kung bakit niya ito nagawa, sinabi niyang nagugutom na siya dahil hindi siya nag-almusal.




 
Matapos naman daw itong kainin ay muli niyang dinikit ang balat ng saging sa wall gamit pa rin ang duct tape. Kaya naman pinalitan nalang agad ng sariwang saging ang napakamahal pa naman na obra.
 
Ipinagbigay-alam na rin  ng taga-pamahala ng museo ang nangyari kay Cattelan, pero wala naman umano itong naging reaksiyon.
 
Ayon pa sa mga kawani ng museo, napakabilis umano ng pangyayari kaya hindi na nila napigilan ang estudyante na huwag makain ang saging.
 
Mayroon pa umanong dalawang editions ang art na ito na naibenta din sa nasabing fair noong 2019.
 
 
 

Post a Comment

0 Comments