Photo courtesy of Facebook/the hearty soul |
Usap-usapan sa social media ang masaklap na kinahantungan ng isang dalagita ang pumanaw kamakailan dahil sa sumabog ang kanyang cellphone habang siya ay natutulog.
Ayon sa report ng Daily Mail, ang 14-anyos na dalagita ay nakilalang si Alua Asetkyzy Abzalbek mula sa Bastobe, Kazakhstan.
Base sa imbestigasyon, natutulog na ang dalagita, ngunit nakikinig pa rin ito ng music mula sa kanyang cellphone.
Nakasalpak ang earphones sa kanyang tenga habang naka-charge pa ang cellphone nito. Kaya naman walang maririnig na kahit anong distorbo ang dalagita.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Alua ang panganib na pwede mangyari dulot ng kanyang kapabayaan.
Bukod pa dito, nilagay pa niya ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan na siyang dahilan ng pag-overheat ng gadget.
Pinaniniwalaang, umaga na raw nang mangyari ang pagsabog kaya kung ito ay naagapan, maaaring buhay pa sana si Alua.
Sa katunayan, naka-plug pa rin sa saksakan ang charger ng cellphone na sumabog noong makita ito ng pamilya ni Alua.
Sinubukan pang itakbo sa ospital ang dalagita, ngunit dineklara na itong patay ayon sa mga rumispondeng paramedics.
Samantala, hindi pa rin makapaniwala ang mga kaibigan at kaanak ng dalagita sa malagim na sinapit nito dahil lamang sa kanyang maling paggamit ng gadget.
Sa kabila ng ilang mga insidenteng tulad nito, marami pa rin ang tila di naniniwalang mali ang paglalagay ng cellphone sa higaan lalo na sa ilalim ng unan habang natutulog lalo pa kung ito ay naka-charge.
Nawa’y magsilbing aral at babala muli ito sa mga taong mahilig mag-iwan ng kanilang gadget sa ilalim ng kanilang mga unan dahil ito ay tiyak na mag-oover heat lalung-lalo na ang pag-charge nito habang kayo ay natutulog.
Hinid na bago ang ganitong pangyayari, kung saan ay sumasabog ang ating mga cellphone, sapat naman ang babala ng mga maufacturer ukol dito.
Ngunit may mga tao pa rin daw na may katigasan ang ulo at patuloy na pa ring gumagawa ng ganito.
Ngunit may mga tao pa rin daw na may katigasan ang ulo at patuloy na pa ring gumagawa ng ganito.
0 Comments