Larawan mula sa Twitter ni Mocha Uson |
Isang grupo ng mga dating empleyado ng ABS CBN ang
naiulat na nais magpatulong sa gobyerno para sa kanilang reklamo laban sa
kanilang dating kumpanya.
Ang mga dating kawani ng Kapamilya network ay dumulog
sa tanggapan ni Labor Secretary Silvestre Bello III para talakayin ang kanilang
reklamo kasama sina Overseas Workers Welfare Administration deputy
administrator Mocha Uson at ng actor na si Robin Padilla.
Ayon sa isang Facebook post ng Mocha Uson blog, sinamahan nila ni Robin ang mga dating
mangagawa ng ABS CBN upang magpakita ng suporta sa kanilang laban.
“Former ABSCBN employees nakipag meeting kay Sec
Bello. Naandun din si Mr. ROBIN PADILLA upang sumuporta sa mga empleyado,” ayon
sa caption.
Kamakailan ay nag viral sa social media ang post ng
dating empleyado ng ABS CBN na si Christopher Mendoza. Kinuwestyon niya ang mga
artista ngayon na pilit isinasangkalan ang mga manggagawa para maisalaba ang
media outlet.
Ayon, kay Mendoza, ano ang pinagkaiba nila sa mga
manggagawa ngayon. Sila nga daw ay bigla nalang tinanggal ng media giant.
Sumunod dito, nagsalita rin si John Paul Panizales,
dati ring mangagawa ng ABS CBN, na isa sa mga naki protesta sa ABS-CBN Internal
Job Market (IJM) Workers Union na nagreklamo sa maling labor praktis ng
kumpanya.
Sinabi din ni Panizales na hindi niya naramdaman na
isa siyang kapamilya, may time pa nga daw na muntik na niyang ikamatay ang
kanyang trabaho pero tinanggal pa sya.
"Sana alagaan naman nila at mahalin na parang isang totoong Kapamilya ang mga manggagawang halos binubuhos na ang buhay para sa serbisyo sa kanila!" ayon pa kay Panizales
0 Comments