Prank o Hindi? Alex Gonzaga nakatikim sa mga netizens at ibang personalities matapos ang ginawa sa waiter






Muling nag-trending sa Twitter ang social media personality na si Alex Gonzaga nang pahiran niya ng icing ang mukha ng isang waiter sa kanyang advance birthday celebration sa Makati City noong Linggo, Enero 15.
 
Si Alex ay nag-diwang ng kanyang ika 35 na kaarawan nitong Enero 16.
 
Hindi ikinatuwa ng mga netizens ang naging pag-uugali ni Alex at sinabing ito ay insensitive nang kanyang pahiran ng icing sa mukha ang waiter na may hawak ng kanyang birthday cake.
 
Sa viral video na ngayon ay burado nang post ni Danni Barreto, makikita na bitbit ng hindi kilalang waiter ang birthday cake habang hinihipan ni Alex ang kandila. Pagkatapos ay pinahiran ni Alex ng icing ang mukha ng waiter habang nakatayo sa likuran niya ang asawang si Mikee Morada.




 
Binatikos ng maraming netizens ang ugali ni Alex. Ang iba naman ay naniniwala na ang sikat na vlogger ay naglalaro lamang ng panibagong kalokohan sa panahon ng party.
 
Isa sa nagbigay ng reaksiyon tungkol sa isyu ay si DJ Mo Twister, na dating co-host ni Alex sa defunct showbiz-oriented talk show ng TV5 na Juicy.
 
Sa kanyang tweet ay sinabi ni Mo na halata umanong lasing si Alex sa video ngunit saad niya, "stupid" at "narcissist” umano ito.
 
“Come on guys. She was drunk. …and stupid. Drunk and stupid. And a narcissist. Drunk and stupid and a narcissist.” Ayon sa caption ni Mo.
 
Ikinadismaya rin ni Miss Universe Philippines 2021 semifinalist Ayn Bernos ang video na kumalat.
 
“Paalala na yung mga jokes dapat nakakatuwa for all parties involved.” Anito
 
Ayon naman sa film director na si Gino Santos, “emotional labor” ang video na kanyang napanood.
 
Kung magbibiro naman daw ay sana huwag nang idamay pa ang mga tao na naghahanabuhay lang naman.
 
“Umm.. when you try to make joke, wag na mag damay ng iba.. esp yung mga nagtratrabaho. This is whatcha call ‘emotional labor’ [sad face emoji]” ayon naman sa buong tweet ni Gino
 
 

Post a Comment

0 Comments