Isang OFW sa Dubai instant millionaire! Nanalo ng higit P15.8-M sa isang raffle





Abot-abot ang pasasalamat ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Dubai na si Roxam Reyes Mancilla matapos malaman na siya ay tatanggap ng The Biggest Deal of the Year grand prize na inanunsyo naman ng Dubai Mall kamakailan.
 
Si Roxam ay makakapag-uwi ng tumataginting na AED1,000,000 o nasa mahigit P15 million.
 
Ang gantimpalang ito ay kasunod ng  matagumpay na Dubai Summer Surprises campaign na pinangunahan ng Dubai Festivals and Retail Establishment.
 
Maliban sa maswerteng Pinay ay walo pa sa mga kalahok sa raffle ang mapalad na makakapag uwi naman ng tig- AED 25,000 Emaar Gift Cards o nasa mahigit P390,000.




 
Hindi daw akalain ng expat na siya ay mananalo ng grand prize at halos maluha siya nang kanyang malaman ang napaka-gandang balita na ito.
 
“It was unexpected and I was so extremely shocked to have won the grand prize. When I received the news, I was at work and got teary-eyed immediately. This is a life-changing opportunity for me and my 3-year-old daughter, I’m thankful to Dubai Mall for such a great opportunity,” ayon kay Roxam sa ulat ng Global Filipino Magazine noong Nobyembre 1, 2022.
 
Nagpapasalamat din si Roxam sa Dubai Mall sa napakagandang oportunidad na binigay sa kanya.
 
Balak niya umanong mag invest ng lupain sa Pilipinas at siguruhin ang kinabukasan ng kanyang anak.

Post a Comment

0 Comments