Kris Aquino, puring-puri daw ng mga Pinoy sa US: 'Generous kahit may sakit'

 




Kahit daw may sakit ay napaka-galante ni Kris Aquino, sey ng mga Pinoy sa US kung nasaan ngayon ang aktres para magpagamot.
 
Ayon sa isang artikulo ng Abante news site ay sinabi binahagi ng editor ang tila isang mensahe mula sa isang Pilipino na nasa Amerika.
 
Ayon sa nagpadala ng mensahe ay marami daw siyang naririnig na magagandang salita at papuri sa mag-iinang Kris, Josh, at Bimby na naka-base daw sa ngayon sa Los Angeles, California.
 
“Mukhang adjusted sila sa hotel na tinutuluyan nila ngayon na malapit sa isang beach dahil noon pa naman daw nag-i-stay sa lugar na ‘yon si Kris. Una silang nag-stay sa isang Airbnb house, pero may problema raw (may leak nga ba?), kaya nag-decide raw si Kris na doon na lang muna sila sa hotel na favorite niya mag-stay.”




 
“Naghahanap pa raw ng bagong Airbnb si Kris at mukhang pati sa may Orange County (south of LA) ay nagpapatingin din siya.” Ayon sa bahagi ng mensahe
 
Puring-puri din si Josh at Bimby na mababait sa tuwing makakausap ng mga Pilipino doon.
 
“Si Bimby naman, ayon na rin sa mga kuwentong nakakarating sa amin mula sa mga nakakasama niya rito sa LA ay sobrang bait din.” Ayon sa sender

“‘Yon ang dahilan kung bakit sobrang puring-puri ng mga kaibigan ko si Kris. Ang galing daw ng pagpapalaki niya sa kanyang mga anak. Bongga!

Siyempre, may mga naririnig din kami na sobrang generosity ni Kris na hindi na naman bago sa kanya. Kahit nga may sakit si Kris, nagagawa niyang makapag-share ng kanyang blessings sa mga taong mababait sa kanya.
Dagdag pa nito
 
 

Post a Comment

0 Comments