Lalaki inakalang "taong grasa" dahil sa sukbit na sako, mamimigay pala ng donasyon sa mga estudyante


 

Tulad ng sa kasabihan “don’t judge the book by its cover” o " huwag husgahan ang aklat base sa kanyang pabalat" ipinapakita nito ang halaga ng pagtingin sa kabuuan at hindi lang sa panlabas na anyo.

Ang kasabihang ito ay tugma para sa  lalaking nag viral sa social media matapos siyang mapag-kamalan na “taong grasa” dahil sa hitsura niya at kanyang pananamit nang siya ay magtungo sa isang paaralan, sukbit sa kanyang likod ang tila sako na may laman.




Akala ng marami ay isa siyang palaboy, ngunit laking gulat ng mga guro sa nasabing paaralan kung saan ito nagtungo nang malaman nila na namimigay pala ang lalaki ng mga pangkulay o krayola para sa mga mag-aaral.

Ayon sa post ng guro na si Ma’am Julliet Justo, ang “good Samaritan” ay nagngangalang Chris na kanyang pinasalamatan dahil sa pagmamalakasit nito sa mga estudyante.

Naging emosyonal ang mga guro ng Calizo Elementary School sa Balete, Aklan nang kanilang matanggap ang munting regalo ni Chris para sa mga bata, na noong una daw ay inakala nilang “taong grasa” dahil na din sa sukbit nitong sako. 

Nagbigay si Chris ng 80 kahon ng krayola para sa mga mag-aaral ng elementarya sa Calizo. Maliban pa dito, ay mayroon pang 80 kahon naman na krayola para sa mga mag-aaral ng high school.

Ayon pa sa ulat ng Balita, sariling pera ng lalaki mula sa kanyang ipon ng dalawang taon ang kanyang pinang bili ng kanyang mga donasyon sa paaralan.





At para madagdagan ang kanyang ipon ay nanghingi din ang good Samaritan ng tig-limang piso sa kanyang mga kakilala.

Post a Comment

0 Comments