Sa tingin ni Pangulong Rodrigo R. Duterte, anim na taon pang magtatago si dating Iloilo City mayor Jed Patrick Mabilog, na inakusahan niyang nagpoprotekta sa mga drug lord.
Sinabi ni pangulong Duterte ang pahayag na ito kasabay ng panibagong hinaing niya tungkol sa tunay na lawak at uri ng paggamit ng dr0ga sa bansa.
“Kaya sabi ko ‘di ba (That’s why I said, right)? I’m fighting drugs, I never realized that I would be fighting my own government, pati sa Customs, lahat (even the Customs, everything),” aniya sa talumpati matapos masaksihan ang pagbaba ng Tunnel Boring Machine (TBM) ng Metro Manila Subway Project sa Valenzuela City noong Linggo.
Binanggit niya si Mabilog bilang isang halimbawa ng mga lokal na opisyal na nakinabang sa drug war, at muling binanggit na ang kanyang bahay ay "parang palasyo."
“Pati si Mayor Mabilog. Iyong mayor ng Iloilo, tingnan mo ang p***** i***** parang palasyo (Even Mayor Mabilog. The [former] mayor of iloilo. Look at his house, it’s like a palace)” ayon sa pangulo
Sinabi ni Duterte na malamang na mananatili sa exile si Mabilog maliban kung ang gobyerno ay pinamumunuan ng mga lider ng oposisyon.
“Sabi ko, tanong siya kay Bong, ‘Bong, galit ba si Mayor sa akin?’ Sabi ko, ‘Sabihin mo Bong, siya na ang isusunod ko.’ Kaya lumayas, hindi na bumalik, lalo na ang another six years siya. Siguro ‘pag nanalo ‘yung kabila (I asked Bong, ‘Bong, is the Mayor mad at me?’ I said, ‘Tell him Bong, he will be next.’ That is why he left and didn’t come back. He might not be back in six years. Perhaps if the opposition wins), he will find a refuge,” dagdag pa ni Duterte
Samantala, binanggit ni Duterte na hindi dapat basta-basta ginagawa ang pagharap sa problema sa droga ng bansa.
“Paano mo haharapin ang problema sa droga? Soft-spoken ka? Hijo, huwag ka nang mag… Hindi nadadala ‘yang mga drug lords? Mas mabuti pa diretso (You are soft-spoken? Son, drug lords never learn. It's better to run after them directly)," aniya pa
Inakusahan ni Duterte si Mabilog na nagpoprotekta sa umano'y sindikato ng droga ni Melvin Odicta, ang umano'y drug lord na napatay noong 2017.
Hindi pa nakabalik sa bansa si Mabilog matapos dumalo sa isang disaster management summit sa Japan at isang urban environment accords forum sa Malaysia noong 2017.
0 Comments