Dahil sa mga pinagdaanan kay Kit Thompson, Ana Jalandoni nawalan na ng self-confidence

 



Tatlong beses nang nagbahagi ng kanyang mapait na karanasan ang aktres na si Ana Jalandoni sa kamay ng dating nobyo na si Kit Thompson.


Unang nag salita si Ana matapos maospital dahil sa pananakit ni Kit noong Marso 28, 2022, sumunod naman nakapanayam siya ng mag asawang Tintin at Julius Babao.


Ang pinaka-huling interview niya ay nito lang April 2 kasama si Boy Abunda na pinalabas naman ng April 3 sa The Interviewer ng The Boy Abunda Talk channel sa YouTube.


Mahirap ikwento ng paulit-ulit ang masasakit na pinag daanana ni Ana kaya sana daw ay ito na ang huling beses niya itong iku-kwento.


Ramdam ng mga makakapanood ng panayam ang sakit ng hirap ng pinagdadaanan ng Ana,  napapahagulhol pa ito ng iyak lalo nang sabihin niyang nawala na ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili.


“Wala na akong confidence sa sarili ko. Promise, Tito Boy, nawala. Napapangitan ako sa sarili ko.


“Kapag tumitingin ako sa salamin, nakikita ko yung nangyari. Parang nawala yung Ana…


"Ana na masayahin... friendly. Nawala yung kasiglahan ko...nawala," kwento ni Ana habang umiiyak na parang bata kay Boy. *




Sa mga nakapanood ng video, marami ang nagsasabing kailangan ni Kit ng professional help para matulungan sya sa kanyang pagiging bayolente kung pagbabasehan ang mga sinalaysay ni Ana.


Ngunit bukod kay Kit, maaaring kailangan din ni Ana ng professional help para matulungan siyang kalimutan ang kanyang masakit na pinagdaanan sa kamay ng nobyo.


Sinabi ng aktres na sa kabila ng ginawa sa kanya ni Kit ay mahal pa rin niya ito.


"Nung kinuha na siya ng mga pulis, pinoposasan na siya, nakatingin lang ako sa kanya.


"Tapos nakatingin lang siya sa akin, umiiyak siya. Parang gusto ko siyang habulin kasi mahal ko.


"Pero sinaktan niya ako, ang hirap. Gusto ko siyang yakapin na parang ayoko siyang isama [ng mga pulis] na parang gusto ko.


"Nahihirapan ako nung time na yun, pero ang iniisip ko, sarili ko." Pahayag ni Ana kay Boy


Ayon pa sa aktres, maaaring patawarin niya si Kit sa ginawa nito sa kanya ngunit hindi na siya makikipag balikan pa sa aktor.




“In time, yes, pero hindi makikipagbalikan. Hindi ko alam kung magbabago siya.


“Kahit masakit yung ginawa niya sa akin, pero naiintindihan ko pa rin siya.


"Buo ang loob, kailangan pagbayaran niya yung ginawa niya sa akin. Hindi makatao, e.” Aniya

 

 

Post a Comment

0 Comments