Tatlong suspek sa pagpaslang sa transman na si Ebeng Mayor, nahuli at nakasuhan na- PNP


 


Ang tatlong mga suspek sa likod ng brut*l na pagp*tay sa transgender man na si Ebeng Mayor ay naaresto at pormal na naakusahan ng piskalya, ayon sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo.

Kinilala ng PNP ang mga suspek na sina Zander Gal Dela Cruz, Joel Montoban Loyola, at Richard Elvin Delima Araza.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong panggahasa na may homicide at pagnanakaw sa Quezon City Prosecutor’s Office noong Sabado, Mayo 22.

Isang pang karagdagang reklamo ng Illegal Possession of Firearms and Ammunition ang inihain laban kay Loyola.

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, ang bangkay ni Mayor ay natagpuan dakong 2:30 ng hapon. noong Huwebes sa isang bakanteng lote sa Sitio Bakal, Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Naiulat na tatlong araw nang nawawala si Mayor bago makita ang katawan nito sa nasabing  bakanteng lote.

“To the family of Ebeng, I know that we cannot bring [him] back but with the PNP’s kept promise of bringing their killers to justice, we hope that this somehow lessens the pain of your loss,” ayon kay Eleazar sa isang pahayag.

Noong Sabado, sinabi ng Komisyon sa Mga Karapatang Pantao na ang pagkamat*y ni Mayor ay binibigyang diin ang pangangailangang ipasa at maisabatas ang panukalang Sexual Orientation at Gender Identity Equality (SOGIE).

Post a Comment

0 Comments