Trillanes sinabing walang sakit ang pangulo ngunit tinawag nya itong tamad: “It’s official: Wala syang sakit, tamad lang…plus palpak!”

Photo courtesy of Dante Dennis Diosina Jr.


Dating senador at oposisyon na si Antonio Trillanes IV, ay muling nagpasaring sa social media laban sa pangulong Rodrigo Duterte.


Matatandaan kamakailan na may kumakalat na bali-balita na nawawala umano ang pangulo sa gitna ng panibagong krisis na kinakaharap dahil sa muling pagtaas ng mga kaso ng may sakit sa Covid 19 sa bansa.


Marami tuloy ang usap-usapan at spekulasyon lalo na sa kampo ng oposisyon at makaka-kaliwa na di umano ay may sakit ang pangulo at inatake sa puso at tuluyan ng pumanaw.


Ngunit agad namang dinepensahan ito ng mga malalapit sa pangulo at nagpakita pa ng larawan o selfie si senador Bong Go na sila ay magkasamang nagtatrabaho.


Ngunit para sa Trillanes, hindi naman daw nagkasakit si Duterte kundi ito ay sadyang tamad lamang.


“It’s official: Wala syang sakit, tamad lang…plus palpak!” sa Twitter post ni Trillanes nitong Huwebes, Abril 8.


Kasabay ng post nyang ito ay ang caption na #duterteTamad and #dutertePalpak na umani naman ng 5,000 na pagsangyaon, at mahigit na 800 retweets naman ang nagbahagi sa iba.


Post a Comment

0 Comments