Pekeng ID na may mukha ni Pangulong Duterte nakumpiska ng mga pulis sa California

 



Isang pekeng Driver’s License na may mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakumpiska kamakailan ng Los Angeles Police Department (LAPD) sa California, USA.

Na-ispatan ng mga Vice Police officers ng LAPD sa Rampart ang pekeng ID, ayon sa pahayag ng pulisya sa Twitter account nito noong Miyerkules, March 10.

“Vice Officers recognized the picture used on a fake ID, to be that of the President of the Philippines. Good thing our Officers patrol Historic Filipino Town and are up to speed. Nice try,” Ayon caption ng LAPD Rampart




Ang may-ari ng pekeng Driver’s License na nakatira sa Glendale ay gumamit ng nakangiting larawan ni Pangulong Duterte.

Bagaman sinensor ng pulisya ang ilang impormasyong nakalagay sa nasabing ID, makikita na tila ang lagda sa pangalan ay mababasang “Norman D. “

Hindi na rin sinabi o binigay ng pulisya kung nakilala nila ang may-ari ng pekeng ID o kung siya ay isang Amerikanong Pilipino.

Ang mga Pilipino ay ikatlo sa pinakamalaking grupo ng Asian American na populasyon ng Amerika na may higit sa 4 milyon hanggang sa 2018.

Samantala, ang California ay tahanan ng pinakamalaking pangkat ng mga Amerikanong Pilipino na may populasyon na higit sa 1.6 milyon, ayon pa sa US Census Bureau American Community Survey (ACS)  na inilabas noong 2019.

Sa County pa lamang ng Los Angeles, na higit 400,000 ang mga residenteng Filipino, ayon sa datos ng ACS mula 2013 hanggang 2017.

 

 

Post a Comment

0 Comments