Mystica kay Kris Aquino: "Kung hindi dahil sa pamilyang Aquino, hindi sana ako nawalan ng ama"

 



Muli na namang nag trending ang dating tinagurian na "Split Queen" na si Mystica matapos nitong magbahagi ng matitinding salita laban sa aktres na si Kris Aquino.

Matatandaang nag-headline kamakailan si Kris nang maglabas siya ng isang buong video tungkol sa mga kontrobersya na nakapalibot sa kanya.

Matapos ito ay di napigilan naman ni Mystica na maglabas ng kanyang mga opinyon ukol sa sinabi ni Kris.

Matindi ang mga salitang binitiwan ni Mystica tungkol sa mga salita ni Kris na utang ng mga Pilipino sa kanyang mga magulang ang demokrasya. 

"Ang kapal mo namang sabihing ang nanay at tatay mo ibinuwis ang buhay para sa Pilipinas. Hindi mo ba alam na kami ang nagbuwis ng buhay nung nandun kami sa EDSA," ani Mystica

"Nagtiis kami. Sa init, sa gutom. Lahat lahat tiniis namin para lang kami ay makatulong at makasuporta sa nanay mo." dagdag niya

Ayon kay Mystica, ngayon na ang oras upang ipahayag ang kanyang galit kay Kris at sa pamilyang Aquino.

"Kung hindi dahil sa pamilyang Aquino, hindi sana ako nawalan ng ama," aniya

Post a Comment

0 Comments