Lacson nais paimbestigahan si Sinas: 'Strike 2 na sa health protocol pasaway'

 


Ayon kay Senador Panfilo Lacson, dapat daw imbestigahan si Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas sa paglusot nito sa COVID-19 health protocol ng Oriental Mindoro noong bumisita ito sa nasabing lugar.

Ani Lacson, dapat lang daw imbestigahan si Sinas dahil pangalawang beses na itong lumabag sa protocol.

Ang tinutukoy ni Lacson ay ang kontrobersyal na “maƱanita” na nangyari noong Mayo ng 2020.

Ayon kay Lacson, nakaka “strike two” na umano si Sinas sa ganitong uri ng paglabag.

“Tama ‘yon, I agree. Kasi sa baseball strike two na siya, wala pa siyang ball. ‘Di ba hanggang 4 ano ka na walk ka na. ‘Pag strike 3 out ka na eh,” ayon sa senador

Samantala, nauna nang hinayag ng provincial government ng Oriental Mindoro na hindi umano dumaan si Sinas sa health protocol ang PNP chief nang ito ay pumunta sa lalawigan noong nakaraang Huwebes.

Si Sinas ay nakumpirmang nag positibo sa COVID noong araw din na iyon.

Post a Comment

0 Comments