Photo from ABS CBN |
Nagsalitang muli si Senadora Risa Hontiveros nitong araw, Marso 29, 2021 hinggil sa muling pagsasatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil ito ay sa kapalpakan umano ng pamamalakad ng grupong namamahala sa pagsugpo ng pagkalat ng coronavirus.
Ani Hontiveros, “Because of gross negligence and incompetence” of the Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases. *
“While the reimposition of ECQ is a necessary step to contain the resurgence of Covid-19 infections, naka kagalit na alam nating hindi mangyayari ito kung hindi dahil sa palpak na sistema na bigo pa ring maituwid hanggang ngayon,” dagdag pa ng opposition senator.
“Hindi lahat ay kakayanin ang ECQ. May mga negosyo na susubukan pa sanang magbukas, pero tuluyan nang magsasarado dahil dito,” ani pa nito.
“Sa pagbagsak ng ekonomiya, pati pantawid na diskarte ng ating kababayan na lay off at nagbasag na ng alkansya, mawawala rin dahil sa panibagong lockdown,” muling dagdag pa ng senadora.
Binigyang diin din ni Sen. Honteveros, hanggang nasa posisyon pa rin ang mga taong dati nang namamahala sa pagsugpo sa krisis sa pandemya, asahan nating bigo pa ring masolusyonan ang nasabing krisis sa pandemya. *
'Tanging ang mga ordinaryo nating mga kababayan lamang ang higit na nagdudusa at nahihirapan dahil sa kakulangan sa tamang pagtugon sa problema." aniya.
“Hangga’t parehong mga tao ang namamahala sa pandemic response, parehong resulta lang din ang makukuha natin,” paliwanag ni Hontiveros.
“We need better leadership. We need health experts who will carry out scientific, evidence-based solutions. We need competent and empathetic medical professionals to get us through this crisis,” dagdag pa nito.
0 Comments