Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat
Isang
organisasyon ng mga katutubo (IP) sa Rehiyon ng Caraga ang nagdeklara kay Bayan
Muna Rep. Eufemia Cullamat bilang ‘persona non grata’ at kinondena ang rally
kamakailan ng Makabayan Bloc sa National Commission on Indigenous Peoples
(NCIP).
Ang League of
Caraga Indigenous Peoples Mandatory Representatives (LCIPMR), sa Resolution No.
4 na serye ng 2021 na inisyu noong Enero 29 sa Surigao del Sur, ay idineklarang
‘persona non grata ‘ si Cullamat sa mga teritoryo ng ninuno ng Manobo, Mamanwa,
Mandaya, Higaonon at Banwaon Indigenous Cultural Communities/ Indigenous
Peoples (ICCs/IPs) ng rehiyon ng Caraga.
Sinabi ng
LCIPMR na ang pinakabagong rally na pinangunahan ni Cullamat sa harap ng tanggapan
ng NCIP sa Quezon Avenue, Quezon City ay isa lamang propaganda.
“They had no
interest at all for dialogue even given the presence of NCIP Chairperson Allen
Capuyan. This only proves that these groups will stop at nothing and will
continue to misrepresent and control the ICCs/IPs for their own personal gains
and ideology,” ayon sa resolusyon
Sa isang
post, sinabi ng NCIP na sinubukan ni Capuyan na kausapin ang mga nagpo-protesta
sa harap ng tanggapan ng NCIP tungkol sa bintang na kalupitan umano laban sa IP
ngunit wala ring nangyari.
Samantala, ayon
naman kay Datu Rico Maca, kalihim ng PCIPMR, ang mga ICC/Ips sa Caraga ay
nakakaranas umano ng pagmamanipula, maling representasyon at pagmamalupit sa
kamay ng mga komunista o teroristang grupo at sa mga taga suporta ng mga ito.
Sinabi niya
na ang mga grupong ito ay naghahangad na makontrol ang buhay ng mga IP at ang
buong pamayanan, ang kanilang mga nasasakupan at pagsamantalahan ang kanilang
mga kabuhayan – na kinukubli ng mga ito sa likod ng kanilang mga ideolohiyang
pampulitika.
“Eufemia
Cullamat, representative of Bayan Muna, does not and will not represent the
ICCs/IPs of Caraga Region,” anito
Giit ng LCIPMR,
ang ginawang protesta ng grupo ni Cullamat sa harap ng NCIP ay isang malinaw na
paglabag sa sagrado at namamahala sa kaugalian at tradisyon ng mga IP ng
Rehiyon ng Caraga.
Dagdag ng grupo,
patuloy na pinoprotektahan at isinulong ng NCIP ang interes at kagalingan ng
mga IP patungkol sa kanilang tradisyon, kaugalian, paniniwala, at institusyon
na lalo na sa Caraga.
“We will no
longer tolerate and allow the group of Eufemia Cullamat to misrepresent,
manipulate, and use the ICCs/IPs of Caraga as pawns to serve their personal
objectives and fruitless campaigns,” ayon pa kay Maca
0 Comments