Drilon: Si Robredo ang "pinaka-kwalipikado" na mamuno ng bansa

 



Naniniwala si Senate minority leader na si Frank Drilon na si Bise Presidente ang "pinaka-kwalipikado" na mamuno ng bansa matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang kakayahan ang kanyang kahalili.

“Maaga pa pulitika na. I have deatt with her. Yung puso niya ay para sa mahirap, nandoon sa mga nasa laylayan ng ating bansa, kaya siya po ang most qualified to lead the nation kung sakali,” ayon kay Drilon sa isang panayam

Nauna nang inihayag ni Leni Robredo ang kanyang desisyon na kunin ang mantle ng pamumuno para sa oposisyon laban kay Duterte.

“Obligasyon nating lahat na sumalungat kung kailangang sumalungat. Pero it is becoming apparent na mas malakas iyong loob ng iba na magboses kapag mayroong sinasandalan na grupo, mayroong sinasandalan na grupo na pareho iyong paniniwala sa kaniya. At iyon iyong role ko: na pag-isahin iyong mga boses na iyon,” ani Robredo

Hindi rin pinalagpas ni Pangulong Duterte ang sinabing ito ni Robredo at sinabing hindi siya magbibitiw sa pwesto dahil ang hahalili sa kanya ay si Robredo.

“Kung siya (Robredo) mag-presidente? Look, I will not resign because it will make her president. My resignation is addressed to the people para makapili sila ng gusto nila. I don’t think she can ever be ready to govern a country. Reason? Incompetence. She’s not capable of running a country like this, Philippines,”  aniya



Post a Comment

0 Comments